CHAPTER 24

18.7K 177 0
                                    

"Alam mo mira, layuan mo na ang kapatid ko habang maaga pa. Masasaktan ka lang kapag nalaman mo na lahat ng nililihim sayo ni gery. Hindi ba't kaya ka ngayon nag iisa dahil ayaw niyang sabihin sayo kung sino si urika? Hindi ba mira? At narinig mo din ang pag uusap nila ni urika." sabi ni genrich sabay hawak sa kamay ni mira.

Iwinasiwas naman agad ito ni mira. Para na naman kasing bibiyakin yung ulo niya sa sobrang sakit nito.

Meron na namang boses at mga imahe siyang nakikita at naririnig na lumalabas sa isipan niya.

***
"Bat ba ang tagal mong mamatay mira. Sagabal ka sa mga plano ko!"

"Itigil mo na ang plano mo! Hindi ka mag tatagumpay lalo na't nag kakamabutihan na kami!"

"Sa tingin mo talaga mamahalin ka niya?! Ginagamit ka lang niya mira! Wag kang assuming! Hahaha!!"

****
"Kung mahal mo ko bakit mo ko ipapahamak ng ganito?!! Ha? Sabihin mo nga? Ganito ba ang sinasabi mong PAG MAMAHAL MO?!!"

"Para rin naman sayo to mira kaya ko to ginagawa!"

"Para ba talaga sakin? O para sa sarili mong kapakanan?!"

****

"M-MMMMMIIIRRRAAAA!!"

***

"Hindi ako si gery mira! Im his twi----"

******
Halos ma luhod at mapa iyak si mira dahil sa sakit na nararamdaman niya sa ulo niya.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilinaw ang mga imaheng nakikita niya. Sino ba sila? Bakit may mga ganitong imahe ang lumalabas sa utak niya? Mga katanungan sa isip ni mira.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino si urik--" hindi na natapos ni genrich ang sasabihin niya ng may mag salita sa likod nila.

"Layuan mo siya genrich. At wala kang dapat sabihin tungkol kay urika!" sabi ni gery sabay tulak sa kapatid niya.

Tsaka niya itinayo si mira na naka upo na sa white sand ng beach. Itinulak naman ni mira si gery.

Gusto niyang malaman kung bakit ayaw ni gery na malaman niya kung sino nga ba ang urika na iyon? At kung sino ba talaga ang urika na yun para protektahan siya ni gery ng kanito?

"Sasama na ako sakanya pauwi g-gery" matatag na sabi ni mira.

Gusto niya malaman lahat lahat!

My Husband Is A Maniac [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon