CHAPTER 27

17.4K 152 1
                                    

Pero para sakanya ay gagawin niya ang lahat para lang maging ligtas at walang manakit kay mira.

Ng araw na yun ay lagi na niyang binabantayan at sinasabayan si mira pauwi para walang makalapit at makapanakit sa mahal niya.

***

"Haha! Sige sabay na tayo! Antayin mo na lang ako sa labas ng gate ha! May kukunin lang ako sa room. Na iwan ko kasi yung notes ko" sabi ni gery sabay ngiti at hawak sa kamay ni mira at hinalikan niya ito.

"Sige basta wag mo kong pag hintayin ng matagal ha!" nakangiting sabi ni mira. At nag simula ng mag lakad.

Ng makuha na ni gery ang notes na naiwan ay bumama na din siya agad baka kasi maabutan iyon doon nila ella.

Pero pag baba niya ay wala na si mira doon. Hinanap niya sa buong school si mira pero wala naman kahit anino nito ang nakita niya doon.

Pinag tanong tanong din niya sa mga classmate ni mira kung nakita ba nila si mira pero walang makapag sabi kung nasan ba talaga ito.

Nag aalala na siya para dito baka kasi ano na ang nagyari kay mira. Nakasakay na siya sa car niya habang nakatingin sa labas. Pinuntahan niya kasi lahat ng lugar kung saan sila lagi pumupunta.

Napangiti naman siya at napawi ang kaninang pag aalala ng makita niya si mira na naka upo sa isa sa mga bench sa park kung saan sila laging nag pupunta upang mag date.

Agad din naman siya lumabas sa car at pumunta kay mira.

"Nandito ka lang pala mira. Di ba sabi ko sayo na antayin mo ko?! Bat umalis ka agad. Ayan tuloy nag alala ako sayo. Halos mamatay na ako ka ka hanap sayo akala ko napano ka na" sabi ni gery sabay pout pa nito. Pero si mira ay nanatiling tahimik.

"May problema ba mira? Ang tahimik mo yata ngayon? May nangyari ba habang wala ako?" malambing na sabi ni gery. Tumayo naman agad si mira at umalis na. Para itong wala sa sarili na tatawid sa kalsada.

Hindi niya napansin ang sasakyan na patawid din. Kaya naman nataranta si gery at agad niya hinila si mira..

(END OF FLASHBACK)

My Husband Is A Maniac [✔]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora