Chapter 09

98 4 0
                                    

Megan's POV

"Ladies for us--gentlemen, gising na!" Nagising ako nung pasigaw na nagsalita si---ugh! Sino ba yun? Ang aga aga, inaantok pa ako eh!

Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan angvoras sa phone ko. Buwisit! Buti nalang may kuryente sa bahay na 'to.
5:46 am pa lang naman pala. Naginat si Laarni na nasa tabi ko at kinusot kusot ang mata.

"Anong oras na?" Tanong niya na medyo paos pa.

"5:46" sagot ko.

"Grabe, ang aga naman ng mga lalakeng 'to!?"

"Sinabi mo pa. OY! GISING NAAA!" sabi ko sabay sigaw sa mga tulog na tulog pa.

Nandito kaming lahat sa sala. Napagdesisyunan kasi namin na dito kami sa sala matutulog. Kinuha namin lahat ng mga bedsheets,comforters,kumot at unan. Sa mga lalake sa mga sofa sila natulog. Yung iba naglatag rin. Siyempre para iwas yakapan sa mga lalake,iniharang namin yung center table kaya sa kabilang panig sila.

Gan'to style namin.

     ________    ■    ________
■    Sofa                 sofa     
S|
o|   (Girls)        ●      (Boys)
f |                  center
a|                    table

"Ang aga naman!" Reklamo ng iba. Nagsitayuan na sila at naginat inat maliban nalang kay Emelene na tukog na tulog pa.

"Emelene, gisina. Sobrang tulog na yan." Sabi ko atsaka ko siya niyugyug.

"*cough!cough* wait lang! Five minutes." Wika niya at namamaos pa. Bahala siya diyan. Pumunta akong kusina para magtoothbrush at maghilamos. Sa kalagitnaan ng pagsisipilyo ko ay nakarinig kami ng isang malutong na mura at sampal.

"PUTAAAANG INAAA! (*Paaak!*)" My eyes widened literally nung malaman kong si Emelene yun at sinampal si Fhrean. Ano'ng nangyari dun?

"Woooh! Grabeeh!" Pagrereact ni Ivanne.

"Ayshiiiks! Hahaha!"

"Shutanginerds! Haha!! Solid!!!" Komento naman ni Glendel at nag apiran pa sila ni Madolin.

"Whoo! Ang aga aga, ang lutong ng mura!" Sabi ni Ivee. Dinalian ko ang pagtotoothbrush hanggang sa matapos.

"Grabeh! parang ngayon lang kita narinig na nagmura ng tagalog Emelene!" Sabi naman ni Ivonie. Nabaling ang tingin ko sa kanilang dalawa nung magsalita ulit si Emelene.

"PUWEDE BA SA SUSUNOD HUWAG NA HUWAG MONG IHAHARAP YANG MUKHA MONG MUKHANG ASO!" sigaw ni Emelene.

"Oh kelangan manampal!? Parang ginigising lang eh!" Sagot sa kaniya ni Fhrean. Sa tono ng boses niya, nasaktan siya. Siyempre sino ba naman ang hindi masasaktan duon? Eh ang solid nung pagkasampal. Tumayo si Fhrean at nagtungo sa kusina.

"Anyare ba??" Tanong ko kay Jackie na nakatingin rin kay Emelene

"Pfft haha!!" Tumawa si Jeremy at sabay pa silang tatlo nila Chan at Khristian na nag apir.

"Ano, anong nangyari??" Tanong ko ulit.

"Hindi kasi, kinulit kulit niya si Emelene para gumising eh nabanas yata si Emelene pffft--hahaha! Tapos--haha! Tapos di nakapagpigil--hahaha nasa---hahaha nasampal---hahahaha!!" Ano daw!? Hindi ko talaga maintindihan yung mga taong inuuna yung tawa bago magsalita!

Tumingin ako kay Emelene na nag aayos ng comforter.

"Bagong umaga--sira! Buwisit na lalakeng 'yan!" Wika niya.

"Pero mali naman yata yung ginawa mo sa kaniya..." sabi ni Rose.

"Wala kampake! Hindi mo alam kung gaano kainit ang dugo ko sa taong yan!" Padabog niyang sagot kay Rose saka pumasok ng C.R.

The Student Of 10-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon