Chapter 20 So Goodbye

77 3 1
                                    

Matapos matawag at maieksamin ang pisikal at mentalidad ng mga bata at mapag alaman ang kani kanilang situwasyon sa kanilang pamilya. Nakalapag na ang private plane na pagmamay-ari ng pamilya ni Ivanne kung saan nakasakay ang mga bata sa airport ng South Korea. Sa pagbaba nila'ng yuon ay sumalubong mga natitirang kamag anak ng mga bata na nasa ibang bansa. Halos karamihan sa kanila ay may mga kamag anak at iilan rin naman ang walang wala na.

Tulad ng ipinangako ng tito ni Megan, mainit niyang sinalubong ang kaniyang pamangkin sa airport. Si Ivee naman, sinalubong rin siya ng kaniyang  auntie na nakatira sa Hongkong. Si Rose na naman ay sinalubong rin ng kaniyang ama na nagtatrabaho sa Singapore. Bagama't hindi pa nakakarating ang mga kamag anak nila Rosciel, Jackie, Chan, Jeremy at Lily ay nagdesisyon ang ama ni Ivanne na titira muna sila sa isang condo units na pagmamayari rin ng pamilya ni Ivanne at siyempre ng pamilya rin ni Laarni.

Sa ibang banda naman, masayang sumalubong ang pamilya ni Laarni sa kaniya.

"Mommy! Daddy!" Sigaw niya nang makita niya ang kaniyang ina at ama kasama ang kaniyang mga kapatid.

"Honey!" Sigaw nila sa kaniya dahilan sa simula palang noong bata ang babaeng ito ay Honey na ang itinatawag sa kaniya ayon sa kaniyang personalidad na pagiging sweet.

Maigti silang nagyakapan at dinaig pa nila ang hindi nagkita ng ilang taon.

"I'm glad you're safe!" Wika ng kaniyang ina habang hawak hawak ang magkabilang pisngi ni Laarni at ineeksamin ang buong katawan ng anak.

"Ofcourse ma, warrior kaya ako!" Pagmamagaling ng dalaga. Napangiti naman ang kaniyang mga kamag anak at niyakap uli siya. Napansin naman ng kaniyang ina ang malungkot ngunit nakangiting binatang nasa likod lamang ng kanilang dalaga.

"Halika iho," aniya saka niya sinenyasan na lumapit si Ivanne sa ina ni Laarni. Niyakap niya ito at nagsalita.

"Maraming salamat sa'yo iho. Hindi mo pinabayaan ang anak ko. , though...--any way, simula ngayon puwede mo na akong tawaging mommy and ofcourse you'll be my Son--my future son in law." Ani nito kaya napangiti si Ivanne sa kaniya at dahil masakit parin sa kaniyang kalooban ang nangyari sa kaniyang ina, hindi na niya napagilan ang sarili nito na mapaiyak mismo sa ina ng kaniyang nililigawan. Alam ng pamilya ni Laarni ang tungkol sa pagkamatay ng ina ni Ivanne kaya sinubukan ng ina ni Laarni na pagaanin ang kaniyang loob.

"Salamat po..." sabi niya sa pagitan ng pagiyak habang yakap yakap ng mahigpit ang ina ng kaniyang nililigawan. Nagpapasalamat ito sa diyos dahil naroroon pa ang ina ni Laarni na nagbibigay lakas sa kaniya.

Matapos ng ilang oras ng paguusap usap ng mga magkakaanak ay nag paalam na ang mga kaklase nilang aalis na at kukunin na sila ng kanilang kamag anak.

"Pano ba 'yan guys, kita kita nalang tayo sa susunod." Wika ni Ivee.

"Mamimiss ko kayo!" Ani ni Megan habang mangiyak iyak na.

"Ako rin!" Sabi naman ni Laarni.

"Ahuhu!"mangiyak iyak na saad ni Jackie habang pumapadyak padyak. "Ayokong umalis!" Aniya. Naiiyak na siya kaya nayakap na siya ni Rose.

"Ano ka ba Jackie 'wag ka nga umiyak, hindi mo bagay!" Pangaral na sabi ni Rose kay Jackie habang yakap yakap niya ito. Naluluha na rin si Megan at Ivee. Gustuhin man nilang manatili ay wala silang magagawa dahil sa kailangan nilang ipagpatuloy ang nasimulan nila sa kanilang pag aaral at siyempre sa tulong ng kanilang mga kamag anak.

"Mag iingat kayo ha, 'wag na 'wag kayong makakalimot. 'Yang mga sarili niyo, alagaan niyo. Dapat in the future pag nagkaroon tayo ng reunion soon, dapat magaganda ang buhay buhay natin ah." Pagpapaalala ni Ivonie sa lahat.

The Student Of 10-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon