thirty-nine

993 53 31
                                    

julia

"maraming salamat po sa tulong niyo mang epoy at manang sarah pero kailangan po naming bumyahe muli." paalam ko sa dalawa.

"naku, okay na ba kayo? ang sasakyan niyo? mga bata, gabi na. baka mapano pa kayo sa daan." alalang-alala na sabi ni manant sarah.

gustuhin ko mang matulog nalang muna dito pero tumawag kasi si kwini kanina. pinapadali niya kami kasi sayang daw ang inihanda nila na party.

"okay lang po kami, wala naman kaming ganun kaseryosong sugat" sabi ni daniel.

anong wala?! nasugatan mo kaya ang puso ko... sakit nga eh. sobra :"(

"tsaka susunduin po kami dito ng mga kaibigan ko. naisabi ko din naman kung nasaan kami at ayon sakanila, malapit-lapit lang daw yun sa vacation house na kinaroroonan nila" pagpapaliwanag.

"ganun ba? osige mag-ingat kayo sa daan mga anak. kung maaari, dalaw-dalawin niyo din kami dito hahaha. kami lanh dalawa dito eh." may halony kalungkutan na biro ni manong epoy.

isa-isa kong niyakap ang mag-asawa.

"ako din, payakap" bulong ni daniel. di ko alam kung sinasadya niya ba o aksidente lang na lumapat ng kunti ang labi niya sa tenga ko. and it's freaking giving me shivers all over my body.

aba leche! ang landi talaga nito! taena lang. parang kanina lang... ehem. ehem.

"salamat po sa lahat manang at manong. nag-enjoy po ako sa saglit naming pagstay dito. wag kayong mag-alala, bibisitahin po namin kayo dito." nakangiting assurance ko.

"tsaka pag pauwi na din kami sa amin, dadaan kami dito para kunin ang sasakyan ko" dagdag pa ni mr. 'daniel puta di na titigil sa pagiging malandi'

bago pa man kami nakalabas ay hinila ako ng mahina ni manang sarah, "hija, lokohin niyong dalawa ang puso niyong bulag. wag lang ako na totoong bulag. di ko man nakita, pero ramdam ko na may pagtingin kayo sa isa't isa. wag kang matakot sumugal dahil iniisip mo na masasaktan ka lang. ihanda mo ang iyong sarili na masaktan kasi kapalit nun ay pag-ibig na kasugal-sugal. magtiwala ka lang, sasaya din kayo sa bandang huli."

pagkatapos ng mahabang pamamaalam namin ay lumabas na kami. di kalaunan ay may dumating din na kotse. sakay nun ay sina jisung at ong seongwoo.

"daniel!" tawag ni ong sabay takbo kay daniel at tila bang may sinigaw siya 'i dawn zalueta mo ako' kasi agad namang nag-open arms si daniel at ayun... ongniel was written in history.

kelan kaya ang juniel? dalia? aba letse ang panget ng labtim neym namin.

ay teka. wala namang kami. tim lang, walang lab.

"natagalan ata kayo?" tanong ko nung nakapasok na kaming lahat sa loob ng sasakyan.

"si eomma kasi nagmaneho. muntikan na naming mabangga lahat ng poste na meron dito. buti at nandito si danik" sagot niya.

oo nga pala, si daniel ang driver, tuturuan nalang daw siya ni jisung sa daan. ako naman, katabi niya dito sa harap. gusto sana ni seongwoo kaso pinigilan ko siya.

aba, pinoproblema ko na nga si zaira at erica? dadagdag pa siya?

speaking of zaira...

"daniel, can i ask you something?"

"go on"

"kaano-ano mo ba si zaira?" tanong ko ng seryoso.

magsasalita sana si seongwoo kaso tinakpan ni jisung ang bibig niya. teka... ano bang meron?

"i'll tell you later"

okay. tss. later pa ah? ewan ko sayo!

"eh ikaw, anong pinag-uusapan niyo ni stan?" this time, siya ang nagtanong.

i smiled at him sweetly...






























"i'll tell you later."

oh ano ka na daniel?

wrong babe (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon