forty-two

802 51 19
                                    

julia

"haha ano ka ba daniel. joke lang ang sinabi ko hahaha. masyado mo naman atang sineryoso ang sinabi ko sayo hahaha." pagbabawi ko sa sinabi ko kanina. i smiled artificially. bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin.

nakalimutan ko na ata yung nabasa ko sa text sa cellphone niya. yung text ni zaira.

di ko dapat hayaan ang sarili kong pagkatiwalaan siya ng sobra, baka masaktan lang ako ng sobra sa huli.

haayy...

tinignan ko si daniel, he was still looking at me. parang may sinascan siya sa mukha ko. binabasa niya ba ang mukha ko?

namuo ang nakakabingeng katahimikan. nagkatitigan lang kaming dalawa silently. walang nagsalita.

finally he broke the silence by...

"hahahahahaha!"

"o-oy daniel. naano ka ba? anong nangyari sayo?"

hinawakan ko ang balikat niya pero patuloy parin siya sa pagtawa. halos maluha na nga ata siya habang nakahawak sa tiyan niya.

anong nakakatawa?

ako ba?

totoo bang pinaglalaruan niya ako?

"hoi daniel para kang baliw!"

tumawa pa siya ng tawa. hala! hindi kaya nalamigan ang utak nito kaya nag-malfunction?

"pumasok na nga tayo. malamig dito sa labas kaya kung ano-ano pa ang naging epekto sayo." nakailing-iling kong sabi.

tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. malapit na ako sa pinto nang bigla niyang hinila ang kamay ko.


"papayag ka ba na pupunta ako sa france?" tanong niya bigla.

"huh?"

"just answer me. papayag ka ba na pumunta ako sa france?" ulit niya.

i looked down.

gusto kong sabihin na ayaw ko pero hindi ko ata kakayaning sabihin.

what if i-take advantage niya iyun para paglaruan ako?

"i like you so much julia."

paano kung hindi talaga siya seryoso sa akin?

"and i'm serious." dugtong niya.

gusto ko sanang magjoke na hindi siya si serious, siya si daniel pero mukhang seryosong-seryoso na ata siya.

"ang totoo nagsinungaling ata sa atin ang mga gagong yun. walang aalis sa bansa, ni isa sa ating dalawa pero sinadya ata nilang sabihin iyun sa atin para magkaaminan na tayo. i don't want you to leave julia kasi gusto kita. gusto kita sobra. sinubukan kong tumakbo palayo sayo at hindi pansinin yung nararamdaman ko pero ang hirap pala. kasi pangalan mo palang nabasa ko sa screen, ang lakas na ng epekto sa akin. wala akong pake kung kapalit ng pagpili ko sayo ay pagkawala ng pangarap ko. kasi ikaw na ang bago kong pangarap. i am not playing with you."

bakit ka ganyan daniel? i said maglalaro tayo ng chase pero hindi ata nangyari. dahil sa sinabi mo lalo mo akong hinihila palapit sayo.

"i also like you daniel, i can't afford to loose you. pero takot ako baka kasi--"

"don't worry i'm not running away from you. let's run together, bitch."

ah. normal bang kiligin pag tinawag kang bitch? kasi kung oo, salamat at normal ako.

i am running with him. susugal na ako.

"together..... babe"

who would have thought na ang maling babe na nachatan ko ay sa huli siya din pala ang tama?

this is julia, and this is our story.



END.









ay joke HAHAHAHAHAHA. yung totoo kasi...

nakarinig nalang kami ng kantyawan at ayun natanaw namin ang barkada, may tig-isang popcorn.

"kiss na yan!" sigaw ni ong.

namula naman ang pisngi ko. i feel myself getting hot pero mas lalo itong uminit nung naramdaman ko ang labi ni daniel sa pisngi ko.

"mon coeur  id le votre" bulong niya sa tenga ko.

teka. anong ibig sabihin nun?

"ending na ba 'to?" tanong ni jaehwan.

umling-iling si daniel. nilingon niya ako sabay sabing,

"this is just the start."

wrong babe (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon