DS - 63

3.3K 77 3
                                    

Christian Karl's POV

Alam kong galit kayo sakin. Tanggap ko naman eh. At gusto kong maparusahan sa ginawa ko.

"Kuyaa, gutom na gutom na talaga ako." sabi ng nakababata kong kapatid.

Sa Squatter's area lang kami nakatira. Nakilala naman ni Lester si Nanay nung nagkabangaan sila sa Palengke. Napakabait ni Lester.

"Christian. Kung pumayag ka lang na magtrabaho yang batang yan kina Daniel. Edi sana, walang nagugutom." eto nanaman tong kapatid ko. Mas matanda siya sakin.

"Wag niyo na ngang pagtalunan yan. Michelle, pagtiisan mo na itong pandesal." sabi ni Nanay. May sakit si nanay eh. Pero, dahil sa kagaguhan na ginawa ko. Mamatay ata siya ng maaga.

"Bakit hindi nalang kaya tayo mangutang kina Lester uli?" tanong nanaman ni Kuya.

"Napakarami na nating utang sa kanila."

"Sige po Nay, alis na ko." sabi ni Kuya. Siya ay nagttrabaho dun sa mga nagaayos ng motor. 100 lamang ang sweldo araw araw. San makakarating yun?

"Nanay, Alis na din ako." sabi ko kay Nanay pagkainom ko ng kape.

"Akala ko ba Day off ka? Bakit ka aalis? Isa nanamang gastusin iyan eh." sabi ni Nanay. Nag aalala nanaman siya sa gasolina.

"Pero Nay, Puno pa naman po. Sige na po." sabi ko at hinalikan siya sa ulo. Pati ang babae kong kapatid.

Saan nga ba ako pupunta? Kina Daezen. Siya lang ang kaibigan ko sa Manila. Sana nga kaibigan.

*

"Hm. Nanjan po ba si Daezen?" tanong ko. Andito yung katulong nila eh.

"Oo ijo. Kaso, tulog pa siya eh. Pumasok ka muna at gigisingin ko siya." malaki yung bahay nina Dae eh.

Pumasok kami sa loob. May isang room ang nakita ko. Pumasok naman ako dito.

Puro picture frames. May nakakuha naman ng tingin ko. DaeSumi…

Ang sweet nila. Bakit ko nga ba sila naisip na sirain?

Kasi, Unang kita kay Daezen. Mahal ko na siya.

"HUY!" ay palaka. -.-

"U-uy Dae!" sabi ko pag kalingon ko sa kanya.

"Tinititigan mo naman ako masyado ah." pang aasar niya. Daezen talaga.

"Nililinis mo ba 'to?" tanong ko. Inikot ang mata niya tsaka umiling.

"Pamula nung namatay ni Katsumi, Hindi ako pumunta dito." sabi niya. Alam ko naman kung bakit 'to ginagawa ni Kats eh.

"Ahhh" yan nalang ang nasabi ko, Ano pa nga bang sasabihin ko?

"Uy, Bakit ka nga pala nandito?" sabi niya habang pababa papunta sa sala.

"Uhm. Daezen, wag kang magagalit ha?" sabi ko agad sa kanya. Umupo naman siya at tumabi ako sa kanya.

"Hala? Bakit? Anong ginawa mo?" inosenteng tanong niya. Kung alam mo lang Daezen, kung alam mo lang.

"Wala naman, Uhm. Dae. Pwedeng mag tanong?" I slowly asked.

"Ginagawa mo na eh. hahaha! sure." Daezen is very pretty. Kaya, ang hirap ng gagawin ko. Mahal ko na siya nung una ko pa siyang nakita.

"Pano kung may mahal ka, Yung mahal mo ay mahal ng boss mo sa trabaho and kapag nalaman ng boss mo. Mapapatanggal ka." explain ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

Just Give Me A Reason (Parking 5 ft. Their Girlfriends.)Where stories live. Discover now