DS - 68

3.4K 91 9
                                    

I'll forever treasure my friends here on wattpad.  I'll miss your comments! :(:

---

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos ni Sed magkwento ay tahimik silang magkakaharap.

Ni hindi nila alam ang pakiramdam nila. Naiiyak, Masaya o halo halo.

Si Daezen? Patuloy lang siyang lumuluha. Tiningan naman nito ang phone niya. Kung saan ang Lockscreen ay silang dalawa ni Katsumi.

"D-daezen. S-sorry." yan ang kauna unahang lumabas sa bibig ni Sed.

Samantalang si Julia, Quen at ang mga magulang ni Daezen ay naiiyak din. Nasaktan ng sobra sobra si Daezen.

"Bu-bumalik na kayo sa Ho-hotel. Ga-gabi na." umiiyak na sabi ni Daezen. Niyakap siya ni Anikka.

Yumakap naman siya pabalik. Nagkatinginan sila ni Sed, Pero sa hindi inaasahan ay yinapos din naman ito ni Daezen.

'Hindi na kami bata para mag kaaway away pa.' yan ang nasa - isip ni Daezen.

"Kaya mo ba?" tanong ni Sed sa kanya. Tumango naman si Daezen.

"Kakayanin ko." nababasa na ang damit ni Sed dahil patuloy paring umiiyak si Daezen ngunit hindi parin inaalis ni Sed ang yakap nito.

Nagseselos si Anikka? Hindi.

"Uwi na kayo." at binigyan ni Daezen ng kalahating ngiti ang dalawa.

Masakit kay Daezen. Nagsinungaling sila pero hindi niya kayang magalit sa mga kaibigan niya.

Masaya, Malungkot, Naguguluhan. Yan ang nararamdaman ni Daezen.

Galit siya kay Katsumi pero matitiis niya ba ang mahal niya?

Kayo, matitiis niyo ba ang mahal niyo? Hindi diba.

Sabi nga ni Anikka. "If you love someone, it doesn't matter how much he hurt you."

"A-anak." sabi ng mga magulang ni Daezen habang papalapit sa kanya.

Kinakabahan ang mga ito. Baka magalit din sa kanila si Daezen ngunit hindi, tulad ng ginawa niya kay Sed ay yinakap din niya ito.

"Ma. Bakit po?" tanong niya habang umiiyak.

Bakit nangyayari to?

Bakit naitago nila iyon?

Bakit nagsinungaling sa kanya?

Bakit hindi niya maintindihan lahat ng nangyayari?

Bakit natiiis siya ni Katsumi?

Napakaraming nangyayari na hindi niya maintindihan.

"Sorry anak." tumango nalang si Daezen habang yakap niya ang magulang niya.

Tango na ibig sabihin ay naiintindihan niya.

"Dae. Sorryy." sabi ng dalawang nakatayo.

Umalis sa yakap si Daezen at ngumiti. "Naiintindihan ko."

'Naiintindihan ko.' yan ang sagot ni Daezen kahit hindi niya naintindihan lahat.

"Anak, pasensya na talaga. Alam ko. Kapag nakita kayo ni Kats ay ipapaliwanag niya ang lahat." sabi ng kanyang ina upang palakasin ang loob ni Daezen.

Just Give Me A Reason (Parking 5 ft. Their Girlfriends.)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang