Chapter 1

28 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa tindahan at bumibili ng pagkain dahil katatapos lang ng klase namin sa morning class kaya launch break na namin. May nakita akong isang candy na fres kaya tiningnan ko. Sumabay na rin ang mga kaibigan ko sa pagtingin tingin ng candy. Sa likod kasi ng candy'ng iyon ay may nakasulat na something weird kaya curious ako kung ano ang nakasulat sa likod ng mga candy'ng ito.

"Crizea, look at this"

Sabi ni Mandy habang nakatingin siya sa likod ng candy. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at tiningnan ang nakasulat sa likod ng candy.

"Ibigay mo ito kay Mack, since you have been so coward in 4 years without even telling him how much you love him"

Nagkibit balikat ako at nagbuntong hininga "Hmmm.. I'm not that desperate okay! I don't love him, I just like him!tssskk like and love are different Mandy"

Ngumuso lamang siya sa sinabi ko at umirap sa akin. Ibinalik niya sa lalagyan ang candy'ng napili. Lumingon ako nang tinawag ni Jessy ang pangalan ko.

Matagal na akong may gusto kay Mack kaso hindi ko lang maamin dahil napapangunahan ako ng aking kaba. Sinubukan ko namang magparamdam eh kaso nga lang parang hindi parin niya maramdaman na I have feelings for him. That bastard napakamanhid niya talaga!

Ilang beses ko na bang pinahiya ang sarili ko? Para akong tanga na nagcoconfess sa isang confession! Pero mabuti naman at napansin niya. At ito na naman ako ipapahiya ko na naman ang sarili ko.

Love is unfair. We thought about loving someone is easy but we didn't realize that love will take you to the roller coaster- you will encounter challenges and disappointments. In other words, loving is not easy at all.

"Crizea, why don't you gave it to him, instead"

Lumapit ako sa kanya at iniwan si mandy habang nakasimangot. Tiningnan ko din ang candy'ng napili ni Jessy sa akin ngunit nakokornihan ako. Hays! Sobra naman ata kong itong kendi na may nakasulat na I love you ang ibigay ko, kung nagkataon edi! Mas lalong magagalit si Mack.

"Ayaw ko niyan masyadong corny, tsskk ako na ngang pipili"

Pumili ako ng candy. Iyong candy na ang nakasulat sa likod ay suitable sa nararamdaman ko. Nakapili na ako ng tatlong candy.

"Anong nakasulat sa likod ng candy?" Rojh asked

"Secret"

Papunta na kami patungo sa aming classroom ng mahagilap ng aking mga mata si Aeron. Naglalaro siya ng pingpong kasama ang mga kaibigan niya. Since jessy is a friend of aeron. Why don't I ask for her help ? Siya lang makakatulong sa akin at nakakahiya naman kong personal ko itong ibigay kay Mack. Aeron is one of Mack friends.

"Can you please give this candy to Aeron at huwag mong sabihin na ako ang nagpapabigay, please jessy"

"Why me?"

"Mas close kasi kayo"

"Okay fine"

Nagtago kaming tatlo para hindi kami makita pero naririnig pa din namin ang pinag uusapan nila. Nakita kong tumigil sa paglalaro si aeron at tumungo sa kinaroroonan ni Jessy. Bumuntong hininga siya at nakangiting humarap kay Jessy.

"Uhmm aeron pakibigay nga ng candy na ito kay mack may nagpapabigay lang nito a friend of mine"

Halatang nagulat ito ngunit napilitan rin ng nakangising ngiti.

" WHO is that unlucky girl who drools over the heel kay Mack and why on earth na candy pa ang binigay niya? Are you sure that she wanted me to give that candy to Mack?

"Just give it to Mack, arrghhh dami mong tanong and  by the way it is nothing of your concern about her name"

Umalis siya sa harap nito at padabog na tumungo sa amin. Halata sa kanyang mukha na nairita sya sa sinabi ni Aeron. Habang si aeron naman ay natulala sa sinabi ni jessy pero natauhan din siya bigla. Tiningnan ko ang reaction niya at nakita kong nakangiti na siya habang hawak ang candy'ng pinabibigay ko. Why is he smiling like that ? Does he has a hint?

-
4 years has been passed by since I started liking him. Grade 7 ako noon at first day of class ko sa pagiging highschool nang mahagilap ng aking mata ang isang lalaking matangkad, moreno, matangos ang ilong, kulay tsokolate ang mata na medyo singkit, red lip so by that time I got interested in him. Kasama niya ang kaibigan niyang pumasok sa isang classroom at hindi ako nagkakamaling section a din siya so magkaklase pala kami? Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa aming adviser at kinausap ito. Nalungkot ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Gusto niyang lumipat ng ibang section dahil hindi siya komportable sa section namin.

Ganun lang kadali para sa kanya lumipat ng section gayong ang daming naghahangad na mapabilang sa section a kung saan halos matatalino ang mga estudyante. Hindi siya napilit ng guro naming ipagpaliban ang paglipat ng ibang section.

Nagpaalam siya sa adviser namin at umalis kasabay ang kaibigan niya. Simula noon ay hindi na nahagilap ang lalaking bumihag ng aking buong atensyon.

Hindi ko din alam kung anong section ang pinaglipatan niya at hindi ko din alam kung saang lupalop ang classroom niya. Hiwalay kasi ang building ng section a sa ibang section kasi sa building namin science network at section a lang makikita mong section. Habang ang nasa huling building ay ang mga mababang section na kaya medyo malayo ito sa building namin.

Since that day, hinahanap siya ng aking mata pero hindi ko talaga siya makita, ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya at wala rin akong alam sa kanya. I wanted to know him pero ang hirap pala kung ang tadhana mismo ang ayaw maglapit sa inyong dalawa.

That Candy Girl Stole My HeartWhere stories live. Discover now