Part 12

9.9K 257 0
                                    


"BABALIK ka na sa Catalina, Ate Angela?" tanong ni Charlie sa kanya habang nakatutok ang mga mata sa pagpe-plating ng isang putahe. Nasa kusina sila ng restaurant nito. Mula roon ay susunduin siya ni Alexander para ihatid sa SM Bacoor kung saan siya bibili ng mga pasalubong niya para sa kanyang ina at kay Jenny. Pagkatapos ay iiwan na siya roon ni Alexander. May meeting pa raw ito sa isang kilalang fashion designer na nagmula pa sa England.

"Baka bukas. O kaya sa isang araw kapag tinamad akong bumiyahe bukas."

"Kumusta naman ang bakasyon mo? Okay naman ba? Pasensiya ka na, Ate Angela. Hindi kita masyadong naasikaso..."

Bakasyon. Ang alam nga pala ng mga pinsan niya ay nagbabakasyon lang siya kaya nasa Maynila siya. Napabuntong-hininga siya. Ang totoo, gusto na niyang bumalik sa Catalina dahil nawawalan na siya ng pag-asa na makakakita pa siya ng kahit na anong bagay na may kinalaman sa pagkatao niya. Ang mga private investigator naman ay wala pa ring naibibigay na sagot sa mga ipinapahanap niya. Funny, but she had this feeling that she should just go back to the way things were before. Tila gusto na lang niyang ipagpasa-Diyos ang lahat. At bahala na ang tadhana sa kanya.

"Walang problema 'yon, Charlie. Alam ko namang busy ka sa restaurant at saka sa Healthy magazine photo shoot."

Tumawa ito. "Please lang, Ate. Huwag mo munang ibalita kina Kuya Brandon ang magazine na 'yan." Magiging cover ng Healthy magazine si Charlie at ipi-feature ang pag-aari nitong restaurant. Charlie was a shy person. Hindi nga niya alam kung paano ito napilit na maging cover photo ng naturang magazine.

"O, 'ayan na pala si Mister Model," mayamaya ay sabi ni Charlie habang nakatingin sa isang screen monitor. Nasa kusina sila pero sa tulong ng screen monitor na iyon ay nakikita rin mula roon ang kabuuan ng restaurant. Mula roon ay nakita niya ang pagpasok ni Alexander.

"May hindi pa kaya nakakakilala kay Alexander?" Pumalatak si Angela nang makita niyang nakapako sa direksiyon ni Alexander ang paningin ng ilan sa mga parokyano ng restaurant, lalo na ang kababaihan. Kunsabagay, Alexander was really a sight to behold. Mabuti na nga lang at kahit best friend sila ng modelo ay hindi naman nadidikit dito ang pangalan niya.

"Hi, chef," anang masiglang boses ni Alexander nang sa wakas ay sumungaw ang mukha nito sa kusina. Saglit na nagkumustahan sina Charlie at Alexander. Pagkatapos niyon ay umalis na sila ni Alexander ng restaurant.


A Home In His Arms (Completed)Where stories live. Discover now