Part 51

8.5K 205 1
                                    


NAPANGITI si Angela habang pinagmamasdan niya ang payapang paghinga ni Marko sa kanyang tabi. Nakapulupot pa sa kanyang katawan ang mga braso nito habang ang isang binti nito ay bahagya pang nakadagan sa kanyang mga hita, na para bang makakawala siya rito kung hindi nito iyon gagawin. Serenity was all over his sleeping face. At kahit tulog, tila nakangiti ang mga labi nito.

Marami siyang natuklasan na maliliit na bagay sa kanyang asawa at nagustuhan niya ang lahat ng iyon. Katulad na lang kung gaano ito ka-attentive sa mga sinasabi niya. He would let her talk and he would say what was on his mind when she finished speaking.

Ang nangyari tuloy, ang kahapon na dapat na flight nila papunta sa Greece ay napagkasunduan nilang hindi na lang ituloy. Sa halip ay napagkatuwaan nilang ang buong Pilipinas na lang ang kanilang papasyalan. Magsisimula sila sa Palawan at magtatapos sa Northern Luzon. Pagkatapos niyon ay ang church wedding naman nila ang kanilang aasikasuhin. After that, babalik na sa opisina si Marko, habang siya naman ay nagpasyang maging full-time housewife.

Marko was pleased with her decisions. Inulit pa nito sa kanya na puwede naman silang magpunta sa Catalina tuwing maiibigan niya na umuwi. Hindi raw siya nito pipigilan kung gugustuhin niyang maging career woman at i-practice pa rin ang kanyang propesyon.

Marahang hinaplos niya ang mukha nito. Napakaguwapo pa rin nito kahit tulog ito. Bawat detalye yata ng mukha nito ay sadyang ginawa para sa prominenteng kaanyuan nito. Mula sa matangos na ilong hanggang sa pangahang mukha nito. Mula sa makintab at malambot na buhok hanggang sa sensuwal na mga labi nito. Idagdag pa ang asul na mga mata nito na kung tumitig ay tila tagos-tagusan sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.

And of course, his body always drove her sanity away whenever he was near her. She still wondered how he had fallen in love with her in an instant, just like he said he did. She felt so lucky having him beside her and inside her heart.

Nagulat siya nang bigla itong ngumiti. "Good morning," nakapikit pa ring bati nito.

"Hmm, kanina ka pa gising, 'no?"

"Yes. Hinayaan lang kitang pagmasdan ako para lalo kang ma-in love sa 'kin," namamaos na sabi nito, saka dahan-dahang dumilat. Funny, pero tila gusto pa niyang mapasinghap nang makita niya ang asul na mga mata nito na punong-puno ng kasiyahan. "Good morning, Mrs. Markopolo de Gracia," anito bago siya masuyong hinalikan at ngitian.

Magandang simulan ang umaga basta ang ngiting iyon ang unang babati sa kanya. Nagsisimula pa lang ang panibagong umaga pero pakiramdam niya ay kompleto na agad ang araw niya.

"Good morning, hubby," bati rin niya

"Gusto ko sanang bumangon agad kanina para ipaghanda ka kahit kape man lang. Pero naisip ko na baka magising ka at hindi ako ang mamulatan mo. Hanna says that girls in general are very sentimental."

Napangiti siya. A little chat before going to bed and before rising meant a lot to her. "I'm glad you listened to your sister and you didn't leave me to wake up alone our first morning as husband and wife. Tama si Hanna, we're sentimental. Gusto ko na ikaw ang mamulatan ko sa bawat paggising ko, Marko. Gusto ko rin na ikaw ang huli kong makikita bago ko ipikit ang aking mga mata sa gabi."

"I feel the same, Angela, I feel the same..."

Natawa siya. "Maybe guys are sentimental, too, after all."

"You bet we are. We're just tough outside honey but inside we're like marshmallows—soft and tender. We also cry and shed tears; we're just too egoistic to let somebody see the tears falling from our eyes."

"Promise me that you'll cry on my shoulder when you feel like crying, Marko, and that you'll let me wipe your tears away. Can you promise me that, Marko?"

"Of course, Angela. But I can't promise to always be strong. Minsan, dapat matatag ka kapag nanghihina ako dahil sa 'yo ako kakapit. When I can't make a decision, I want you to choose what's best for our family. Ako ang lalaki at siyang magiging padre de pamilya pero gusto kong laging marinig ang mga opinyon mo sa lahat ng desisyon sa bahay na 'to."

"Why, don't you want a submissive wife?" tukso niya rito pero nagustuhan niya ang sinabi nito. Isa pa, hindi rin naman siya ang tipo ng babae na magiging sunod-sunuran lang sa kagustuhan ng asawa niya. She had her own mind and she would speak her thoughts whenever necessary.

"Honey, equal rights ang pinag-uusapan natin dito. We can argue about anything as long as we'll still have and love each other at the end of the day, okay?"

Tumango siya. Magsasalita pa sana siya nang bigla na lang tumunog ang mga tiyan nila. Sabay silang natawa nang dahil doon.

A Home In His Arms (Completed)Where stories live. Discover now