Part 38

7.4K 240 4
                                    


The kiss deepened, and yes, it was now more addictive. Tumigil yata sa pag-ikot ang mundo para ibigay sa kanila ni Marko ang sandaling iyon. It was really magical and she couldn't help but close her eyes and savor every second inside his arms. Every sensation, the pleasure, and the enjoyment, she felt them all at once.

This is so wrong, sabi ng isip niya pero walang planong makinig ang kanyang katawan. Maaaring mali nga iyon pero sa mga oras na iyon ay iyon lang ang tama para sa kanya. Marko continued to kiss her and she continued accepting and returning the kisses until their lungs both ran out of air. He slowly released her lips, then looked at her lovingly.

"Don't try to tease me!" angil niya rito. Kahit hindi niya nakikita ang kanyang mukha ay alam niyang pulang-pula na iyon. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya ang bagay na iyon. She had completely melted in his kisses. Her body had responded so easily to him, it had betrayed her.

"I'm not teasing you, and I'm not going to," anito, saka siya kinabig at mahigpit na niyakap. "We're meant to be, Angela. Do not fight destiny. Why are you so afraid to fall in love with me? Pagmamahal ang pinakamasarap na regalo na bigay ng Diyos sa atin. Kaya nga hindi ako natatakot na ipakita ang nararamdaman ko sa 'yo. Ayokong mabuhay na may pinagsisisihan sa huli."

Ang balak niyang pagmamatigas ay tila biglang nalusaw nang mapaloob na siya sa mga bisig nito. Suddenly, she felt so secure. May kung ano itong kapangyarihan na nagpapakalma sa kanya.

"Come on, Angela. Kilalanin mo 'ko... Take a chance with me." Mababakas sa mukha at tinig nito ang labis na pakikiusap.

"H-how can you say that when you're also flirting with H-Hanna Uy?" Hindi niya napigilang bigyan ng boses ang bagay na iyon. Aaminin niyang selos nga ang nararamdaman niya para kay Hanna. Nalaman niya na "Hanna" ang pangalan nito dahil sa ilang research na ginawa niya tungkol kay Marko.

"Nagseselos ka sa kanya?" Amusement was written all over his face.

Inirapan niya ito na ikinatawa naman nito. "Of course not! Do not imagine such things, Marko. Masyado kang assuming!" asik niya rito.

Kinuha nito ang mga kamay niya at dinampian iyon ng matutunog na halik. God! Sa kamay lang siya nito hinahagkan pero bakit kakaiba na ang epekto nito sa kanya? Bakit nanunulay pa rin ang init hanggang sa puso ko? Ganito ba talaga kapag in love? Everything was like fireworks?

"Kaya kong ipaliwanag ang lahat, honey."

"There's really no need to explain. Pakialam ko ba sa inyo?" nakaingos na sabi niya rito pero ang totoo ay apektado talaga siya ng Hanna na iyon.

Sinapo nito ang mukha niya at tinitigan siya sa mga mata. "Hanna and I, we have the same blood running through our veins," simpleng wika nito at saka siya nginitian.

Umawang ang mga labi niya. Ibig bang sabihin niyon ay magkamag-anak sina Marko at Hanna?

"Mahirap ipaliwanag, there are some infidelity issues and it is still a secret. Pero para sa ikatatahimik ng loob mo, handa akong sabihin ang sekreto ng pamilya ko. Hanna and I, we're siblings, sa mother's side. Iyon lang muna ang kaya kong sabihin sa ngayon, Angela, at paniwalaan mo iyon dahil iyon ang totoo. Just trust me, Angela."

Wala siyang masabi pero isa lang ang sigurado niya, mula sa oras na iyon ay hawak na ni Markopolo de Gracia nang buong-buo ang kanyang puso.

"Tayo na, ha. I mean we're boyfriend and girlfriend now. Tomorrow we'll be engaged and the day after tomorrow we'll get married," he said, grinning.

Bigla siyang natawa. "Sobrang past-paced ng takbo ng love story natin, huh? Baka naman sa fourth day, eh, may anak na tayo," aniyang hindi naiwasang mapahagikgik. Tumigil lang siya nang mapansin niyang titig na titig ito sa kanya. Tumikhim siya at kinalma ang sarili.

"You're so beautiful, honey. Kapag nakangiti ka sobrang liwanag ng mundo ko. Na para bang kahit ano, kaya kong lampasan para lang sa ngiting 'yon. Just a smile from you and my day is complete."

Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. "Nagmamakata ka na naman diyan."

"I love you," sa halip ay sagot nito sa kanya.

  She smiled and let herself go. Hindi na niya pinigilan ang sarili niya. Ikinawit na niya ang mga kamay niya sa batok nito. Marko's eyes glittered in delight at what she did.  


A Home In His Arms (Completed)Where stories live. Discover now