#19: Tulang Makamundo

54 20 0
                                    

Tulang Makamundo

Sa mundo ng tula kung saan ang paksa pang isahan,
Sa mundo ng tula kung saan halos magkakatulad ang nilalaman,
Sa mundo ng tula kung saan gusto kong manirahan,
Sa mundo ng tula kung saan lang ako hinahangaan,

Gusto kong mapag-isa,
Gusto kong may magawa 'yong may kwenta,
Gusto kong panandaliang maging malaya at maging permanenteng makata,
Gusto kong makapag-asawa ng panulat na sandamakmak ang tinta,

Gagawa kami ng maraming pyesa,
Bubuo at magpaparami sa iisang lamesa,
Isasabit sa dingding na parang mga diploma,
Sapagkat sa mundo ng tula lang ako may silbi at kwenta,

T'wing ako'y umiiyak letra'y nagsasayawan,
Gumagawa ng sariling ritmong pang makamundong panitikan,
Ginagawa ang lahat ako lang ay mapatahan,
"Mabuti pa ang alpabeto hindi ako iiwan."

Kamusta naman kayo?
Tiyak pagdating ng panahon ako'y lilisanin din ninyo,
Ang maiiwan na lang ang mga alaala at litrato,
Mga liham na wasak na't 'di buo,
Mga tanong na hindi masasagot ng hindi at oo,

Nagpapasalamat ang mga daliri kong naghihingalo,
Sa mga papel na nagpunas ng pawis kong tumutulo,
Mga letrang buhay at nag-aasal tao,
Mga taludtod na binuo at nilikha ng utak kong makamundo,

Mga salitang "Hindi kita iiwan" sa mundong puno ng pait at paglisan,
Ang kamay ko nagkaroon ng sariling kamalayan,
Umukit sa pahinang may gasgas subalit walang laman,
Luha mismo ang nagpatingkad at nagbigay ng kagandahan,
Sa mga tugmang TULANG MAKAMUNDO ang kinalabasan.








MA: Julie Jane Paraon

Words For ArtWhere stories live. Discover now