#44: Mother's Day Tribute

9 0 0
                                    

Pasaway na tula para sa mga maintindihing ina

Ma, hindi man ako kasing sweet nila,
Hindi man ako kasing sipag mo sa paglalaba,
Hindi man ako katulad mo na kayang gumising ng maaga,
Hindi man ako kasing galing mo sa pagluluto ng tinola
at hanggang pagpi-prito lang ako ng itlog sa umaga,
Kasing galing mo naman ako sa pagmamahal at hindi ka kailanman imumura,

Ma, wala man akong maibigay na regalo,
dahil wala pa naman akong trabaho,
Wala man akong maibigay kahit isang love letter para sa 'yo,
Wala man akong maibigay na cookies o cake dahil wala talagang pera bulsa ko,
Kaya naman po kitang batiin at gawan ng tulang katulad nito,
Na kahit hindi mo man 'to mabasa kasi nahihiya ako,
Babatiin na lang po kita mamaya 'pag tayo na lang dalawa ang tao,

Ma, kahit minsan hindi ka natutuwa dahil matigas ang ulo ko,
Tamad at panay lang ang cellphone sa kwarto,
O kaya lalabas saglit para makapag-billiards d'on sa kanto,
Alam kong masaya ka naman kasi hindi ako nag gagala katulad ng iba,
Na kahit taong kwarto ako ay hindi ka kailanman sumunod sa mga lakad ko dahil sa pag-aalala,
Kasi nga laging nasa bahay lang naman ako,
Hindi man tumutulong at pinapasigaw ka man ng todo,
Sasabihan ka naman ng "Ma, pahinga ka muna kukuhanan kita ng kuto."

Hindi na kailangan ng 'mother's day' para lang maging espesyal ka ma,
Kasi sapat na sa 'kin ang malamang 'I have a mother everyday' para pahalagahan ka,
Iparamdam sa 'yo na may anak kang pasaway, matigas ang ulo pero may kwenta,
At kahit nahihiya ako igi-greet pa 'rin kita,

"Happy mother's day ma, kain tayo mamaya sa labas ha?"






Happy mother's day sa lahat ng mama sa Earth♥
MA: Julie Jane Paraon

Words For ArtWhere stories live. Discover now