#27: Turo-Turo

31 15 0
                                    

Turo-Turo

"Iha/iho hingi ka nga ng chalk sa kabilang silid"
Ikaw na tamad sisilip-silip,
Dadaan sa semento sa daang makitid,
Sabay isip, 'di mabatid,
Kung ito ba'y itatakas mo o iyong ihahatid,

Para instant no class,
Para instant bulas,
Mag-aala traydor, mag-aala hudas,
Pag tinanong ng guro kung ba't mo itinakas,
Sasagot ka ng pabalang sabay hugas,
"Hala sorry teacher! Oh my gash!"

Pero dahil hindi sila tulad mo,
Traydor ka man sila nama'y mga hero,
Hahanap ng paraan para makapagturo't hindi ka maging bobo,
Sila ma'y kontrabida para sa'yo,
Para sa'min? Hindi, sapagkat gusto naming matuto,

Tayo'y magpasalamat sa kaalamang kanilang handog,
Sapagkat sila ma'y bitirano sila nama'y maalindog,
Mga kacharotang nasa utak mo kanilang ihuhubog,
Kanilang palalawakin at ika'y mababantog,

Hindi matatapos ang selebrasyong ito na hindi ako nakaka-alay ng pyesa para sa inyo,
"Happy teachers day mga guro nyo't, mga guro ko!"
Hindi man mabasa ng lahat ng guro ito,
Hintayin niyo na lang po 'yung mga chalk, ipadadala ko,
Charot lang po mga iha't iho,
Pero hindi po charot na tatapusin ko na ito,
Sapagkat ako po'y pinapatawag na't utak na'y naghihingalo,

Sa mga guro pong bansag ay "turo-turo"
Maligayang bati po ulit galing sa kaibuturan ng aking puso,
Ako ma'y hindi mabuting estudyante, ako ma'y tuso,
Masunurin naman po ako sa inyong mga sugo
at kaya ko po kayong pagsilbihan kaya lang—
ngayon lang po.









MA: Julie Jane Paraon

Words For ArtWhere stories live. Discover now