Chapter Five

5.6K 67 0
                                    

KUNG hindi lang nakita ni Travis si Saree na pumasok sa Naomi's, isang dance club sa Libis, ay aalis na sana siya at iiwan si Andrea. Nauubos ang pasensiya niya sa babaeng iyon. Bukod sa masyadong maarte, maingay rin ito at panay ang bida ng lifestyle nito sa bawat makausap nila. Palaisipan sa kanya kung paano nakapasok si Andrea sa Ballet Philippines at naging scholar sa school nila.

Sinundan niya ng tingin si Saree habang papalapit sa puwesto ng isang grupo na halos kalalakihan lahat sa bandang dulo ng bar malayo sa stage. Malapit iyon sa bar counter. Nakita niyang binati nito ang mga nakaupo at nakipag-high-five pa sa isa na nakilala niyang si Noel. Ito ang lalaking kasama ni Saree tuwing pakalat-kalat sa corridor ng College of Social Science na dati niyang kinabibilangan. Tumabi ito kay Noel.

Saree's style was very far from Andrea's too stylish elegant skirt and spaghetti-strapped top. Puti pati ang belt nito. Samantalang si Saree ay nakasuot ng loose denim jeans. But she toughened up her style by donning a utilitarian dark green jacket. Hinubad nito iyon at nalantad ang razorback T-shirt nito. She had nice shoulders. Kahit malayo ay napansin niya iyon. Wala itong suot na cap. Marahil ay basa pa ang buhok nito kaya hinayaan iyong nakalugay.

Matangkad si Andrea at hindi nalalayo si Saree dito. In fact, they had the same posture. Halos pareho kung maglakad at tumayo ang mga ito. Mas pino nga lang kumilos si Andrea.

He cursed himself for taking too much interest in Saree. Tila pati gamit nitong pabango ay gusto na niyang malaman.

"Hey, darling, malalim yata ang iniisip mo," puna ni Andrea. Lumapit ito sa kanyang kinauupuan at hindi na niya nasaway nang kumandong ito sa kanya. She gave him a wet kiss on the neck. She was a flirt. Hinayaan lang niya ito and acted as if he enjoyed it.

"'Such a tease," saad ni Travis at pasimple itong pinalayo. Umupo ito sa tabi niya. Muli niyang tiningnan si Saree at nakita niyang nakatayo na ito sa bar counter at kausap ang isang magandang tsinitang babae.

"Let's get out of here, darling," mapang-akit na sabi ni Andrea habang hinihimas ang kanyang braso.

Tiningnan niya ang dalaga. She was pretty, but there were a lot of women who were prettier than her. Isa na roon si Saree.

"Bored ka na ba?" tanong niya.

"Hindi naman. Ikaw ang mukhang bored. 'You want me to spice up your night?"

Natawa si Travis sa sinabi ni Andrea. Madali lang pagbigyan ang pasimpleng kahilingan nito ngunit hindi siya ganoon. Not that he hated bed wars. Mas gusto lang niyang ginagawa iyon nang hindi sapilitan. He was not in the mood.

Hindi na lang niya sinagot ang dalaga. Inabot niya ang baso na may lamang vodka at ininom iyon. Andrea did the same with her margarita.

"Hi." Lumapit sa kanila ang isang morenang babae—si True, pinsan niya sa ina. In-house dancer ito sa Naomi's. Kaedad ito ni Paolo.

"Hey," ganting-bati niya. "This is Andrea. Andrea, pinsan ko, si True."

"Hi."

"Nice meeting you."

Nagkamay ang mga ito.

Bumaling sa kanya si True. "Mabuti nakita kita rito. Akala ko hindi mo alam ang lugar na ito."

He smiled. "I still know how to unwind, my dear cousin."

Tumawa si True. "Maiwan ko muna kayo. May second set pa kami."

"Do you dance here?" tanong ni Andrea. "Bakit hindi mo sinabi sa akin, Travis?"

Nagkibit-balikat lang siya.

Way To Your Heart (Published Under PHR, 2010)Where stories live. Discover now