Chapter Seven

5.4K 91 1
                                    

NAGULAT si Saree nang marinig ang malakas na busina sa likuran niya. Napatigil siya sa paglalakad. Kagagaling lang niya sa main library. Kinailangan kasi niyang mag-assist doon para sa kanyang service.

Napangiti siya nang makita ang pamilyar na pigurang bumaba ng sasakyan. Ang nakangiting si Travis ang bumungad sa kanya. May apat na araw na rin niya itong hindi nakikita. He looked so refreshing in his simple gray sweatshirt and jeans.

"Halika na, sabay na tayo," sabi nito.

"Bakit narito ka pa?"

Nagkibit-balikat ito. "Alam kong dito ka manggagaling kaya inabangan kita. Kabisado ko na ang sneaking schedules mo."

"Sinusundan mo ba ako?" nakangiting tanong ni Saree.

"Ano sa tingin mo?" Yumuko ito upang halikan siya pero iniiwas niya ang kanyang mukha.

"Ginagawa mo ba ito para lang dito?" bulong niya habang halos sumagi na ang kanyang mga labi sa mga labi nito. Ngunit kahit siya ay iyon ang laging sumasagi sa isip sa bawat oras. Kahit nasa gitna ng klase o kaya ay habang mabilis ang ikot niya tuwing gagawin ang fouetté.

May dalawang buwan na rin siyang regular ang training pagkatapos ng klase. Muli siyang pumasok sa dance school. Dahil matagal na nagpahinga, kailangan uli niyang magsimula sa umpisa. It was a blessing in disguise that Andrea provoked her. Dahil sa nangyari ay nagkalapit sila ni Travis. He was always there to watch her. Halos araw-araw ay bigla na lang itong sumusulpot upang sunduin siya. Palagi rin itong tumatawag at nagte-text sa kanya upang kumustahin at ipaalala na huwag niyang pagurin ang sarili. And she realized that she started to place him in the most special part of her heart.

"Bakit, bawal ba?"

Napapikit si Saree nang paglapitin ni Travis ang mga ilong nila. Palihim siyang napalunok dahil sa init na gumapang sa kanya. Hinawakan niya ang T-shirt nito dahil parang kailangan niya ng makakapitan.

Kumilos ito at niyakap siya sa baywang. Pareho silang nakatitig sa isa't isa. Parang may mahiwagang damdaming humihila sa kanila palapit sa bawat isa. Bumaba ang mukha nito at niyakap siya nang mahigpit. He buried his face on her neck and sniffed her scent. She gasped inwardly.

Isinara ng mga paa ni Travis ang pinto ng kotse at yakap pa rin siyang hinila nito. Tinanggal nito ang bag sa balikat niya at hinayaang bumagsak iyon sa lapag. Sumandal ito sa gilid ng sasakyan habang kontrolado niya ang kanyang bigat dahil nakadagan siya rito.

She felt an electrifying shiver when he rained tiny kisses on her neck up to her chin then to the corner of her lips. She remained still but it was as if she was melting with his every touch. Parang nawalang lahat ang pagod niya.

"Kahit maghapon akong maghintay kung ito naman ang kapalit, gagawin ko," anito habang marahang hinahagod ang likod niya.

Bahagya siyang kumilos paharap dito. "Bakit mo ginagawa ito? I mean, bakit natin ginagawa ito? Travis..."

"Dahil gusto ko, natin. Hindi mo kailangang maging matalino para maintindihan ang kung anumang nararamdaman natin. Parang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita kaya pinipilit kong puntahan ka. But if you don't like what I am doing I can—"

"Wala naman akong sinabing tigilan mo. Ang dahilan mo ang gusto kong marinig."

Hindi ito sumagot, bagkus ay hinalikan siya na buong puso niyang tinugon. His lips caressingly brushed hers. Bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya parang hinihingal siya.

"May sasabihin din ako sa 'yo kaya ako nandito," anito.

"Ano?" mahinang tanong ni Saree.

"I passed the Bar exam," pagbabalita nito.

Way To Your Heart (Published Under PHR, 2010)Where stories live. Discover now