Chapter Eight

5.2K 78 0
                                    

HINANGAAN ni Saree kung paano lumakad si Travis sa stage nang tanggapin nito ang plaque of recognition na ibinigay ng Law school dahil sa achievement nito bilang Philippine Youth Ambassador para sa kasalukuyang taon sa ASEAN at ng Ship of Southeast Asian Program. Also, for being the topnotcher of that year's Bar examination. Nakasuot ito ng isang formal suit at lalong nakakahipnotismo ang hitsura nito kapag ngumiti. Sinundan ni Saree ang bawat kilos nito habang pumapalakpak ang lahat. He really stood out as he shook hands and flashed a smile to everyone.

He looked so confident as he walked to the platform to deliver his speech. Maikli lamang ang speech ni Travis na pinalakpakan ng lahat. Sinalubong agad ito ng yakap ng mommy nito na si Atty. Amery Disval-Lorenzana na napakaganda sa suot na dilaw na gown. Kasunod naman ang daddy nito na si Judge Gerardo Lorenzana na matipuno sa barong na suot nito. He was so handsome himself. Tila hinati ang kaguwapuhang taglay nito sa magkapatid na Travis at Paolo. But Paolo resembled their mother more. Tanging mga mata lang ng ina ang nakuha ni Travis.

Tumagal ang titig ni Saree sa mommy ni Travis. Kaninang ipakilala siya ng binata rito ay hindi nakaligtas sa kanya ang mailap na mga mata nito. Agad niyang naramdaman na tila hindi ito pabor sa kanya. Hindi lamang nito ipinahalata iyon dahil kay Travis.

Naudlot ang balak niyang paglapit upang batiin ang binata nang unahan siya ng ibang gustong bumati rito. Hanggang sa mapalibutan na ito. He got busy chatting with so many people and she felt uninvited. Tahimik na lamang niyang pinagmasdan ang binata mula sa puwesto niya habang unti-unting umaahon ang lungkot sa kanyang puso. She realized that Travis' promising world was very different from hers. Magkaibang-magkaiba maging ang mga taong nakapagilid sa kanila. Parang hindi sila bagay.

She sighed with a heavy heart. Pasimpleng tumalikod si Saree at nilakad ang daan palabas ng auditorium. Hahayaan na muna niya ito. Hihintayin na lang niya ang binata bago magpaalam. Naiilang din kasi siya sa suot niyang green strapless dress at nangangalay na rin siya sa suot niyang gold stilettos.

Tumuloy siya sa ladies' room. Inilapag ni Saree ang black clutch purse niya at humarap sa salamin. Napansin niya na medyo namamawis na ang kanyang mukha kaya binuksan niya ang kanyang purse at humanap ng wet tissue.

"It's quite a night, isn't it?"

Napaangat si Saree ng mukha nang marinig ang tinig na iyon. Mula sa salamin ay nakita niya na nakatayo ang mommy ni Travis malapit sa kanya. Nakatingin ito sa kanya sa salamin.

"Ma'am..." Alanganin siyang ngumiti rito. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang at kaba.

Humarap ito sa kanya. "You are definitely into my son, I can tell. Babae rin ako, hija. Nararamdaman ko na may pagtingin ka sa kanya. Ngunit kung anumang espesyal na damdaming mayroon kayo ay hindi maganda ang ginagawa sa anak ko." May halong pag-aakusa at galit ang mahinahon nitong tinig. "You are starting to ruin my son's future, Miss Herrera. Ayaw kong lumabas na masama pero pinangangalagaan ko lang ang kapakanan ng aking anak."

"Hindi ko po kayo maintindihan," aniya.

"Hindi mo alam?" Bumuntong-hininga ang ginang. "Malaki ang ipinagbago niya. Noong una, akala ko ay normal lang 'yon. Pero ang ginawa niyang hindi pag-attend para sa una niyang practice trial sa mismong firm ng daddy niya ay nagpaalala sa akin nang husto. He also skipped some exposure gatherings kung saan makikilala niya ang mga taong dapat niyang makilala. It is necessary for his job. Dahil siya ang susunod na mamamahala ng mga negosyo ng mga Lorenzana at Dizval."

"Gusto po ba ninyong sabihin na napapasama ang anak ninyo dahil sa akin?"

"Hindi ba?"

"Ma'am, kung maniniwala kayo sa akin, sasabihin ko na mahal ko ang anak ninyo. Wala akong intensiyon na sirain ang kahit ano, lalong-lalo na ang mapahamak o mapasama siya. At sa tingin ko, hindi ninyo dapat kami sisihin kung may nararamdaman man kami para sa isa't isa." Pilit niyang tinatatagan ang sarili upang hindi nito makitang nasasaktan siya.

Way To Your Heart (Published Under PHR, 2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon