STPG ♥ 19

71K 1.3K 224
                                    

KYAAAH :> Solo ko ang Laptop kaya nagupdate ko, tapos nareach niyo na rin naman yung Quota ko kaya dapat lang na mag update ako. 

Dedicated to you, Thank you for texting me. Yung Request mo na JulNiel at KathQuen FanFic na  baka matagalan pa kase tatapusin ko pa yung dalawa kong Story :) Vote & Comment po.

NOTE: Ang tapatang Mikaella at Gino Part 2. (Nasa STPG 18 po yung Part 1) Humanda ng kiligin, eto na yung most awaited niyo. You will Love me guys. Sigurado :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

STPG 19

Mikaella's POV

Sinagot ko yung tawag.

"Hell-"

"Kats! Si Gino nakipag away kay Rayver!"

Pagsabi ni Seth nun,nabitawan ko yung Cellphone ni Kats na nalaglag naman sa Lap ko. Teka nga, Rayver? Rayver? Rayver? as in Rayver Gil? Teka. Baka kapangalan lang. Pero..

Nakipag away si Gino! Walang ano ano, tumayo ako at dinampot yung bag ko. Sakto namang nag time out saglit si Coach para sa basket ball team namin. Palapit pa lang si Katsumi hinatak ko na agad sya.

"Kats, tumawag si Seth."

"H-ha? Sinagot mo ba? Nagkausap ba kay-"

"Kats alam ko na okay? Alam ko na yung nangyayare kay Gino!" galit kong sabi.

Biglang nagalala yung mukha niya. "Teka, Mikael-"

"Samahan mo 'ko."

"Ha? Saan tayo pupunt-"

"Alam mo kung saan tayo dapat pumunta Katsumi! Samahan mo na lang ako kung ayaw mong sayo ko ibunton yung galit na nararamdaman ko ngayon!"

Walang sabi sabi, dinampot niya na rin yung bag niya. Nagpaalam sya saglit kay Coach at pinayagan naman sya. Dumiretso kami sa kotse niya, yun yung gagamitin namin.

She's The Princess GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon