JC's POV
"Sweet nila 'no?" biglang sabi sakin ni Lester.
"Ha?" tinignan ko sila Gino at Siga saglit, binigyan ni Gino si Siga ng.. Picture ba yun? "Oo nga eh, nainlab na talaga si Gino no?"
"Oo nga. Kelan naman kaya si Mikaella?" tanong ni Kats.
''Inlove na yan, di lang maamin."
Napalingon kaming lahat kay Seth pagkasabi niya nun. Tahimik lang siyang nainom ng Juice at nakatanaw rin kila Mikaella at Gino.
"Anong matagal na? E kung matagal na, edi sana umamin yan." sagot ni Kats.
"Malay mo nahihiya lang siya." pagtatanggol naman ni Lester.
"O kaya malay mo.. naasa lang si Gino sa wala."
Bigla nila kong binatukan pagkasabi ko nun, hindi ako gumanti. Maya maya inakbayan nila ko.
Nag umpisa si Seth. "Wag mong igaya yung karanasan mo kay Gino, JC. Magkaiba kayo ni Gino at iba si Mikaella kay.. Chelsea."
Hindi ako sumagot. Chelsea.. sa lahat ng salita, pangalan niya lang iniiwasan kong mabanggit, marinig, mabasa o kahit ano pa. May kirot pa rin kase sa puso ko.
"Dka pa rin okay?" tanong ni Kats sakin.
"Dati ko pa sinasabi sa inyo.. kahit kelan hindi na ko magiging okay."
"Tinry mo ba mag move on?" tanong ni Lester sakin.
"Kung kaya ko lang, matagal ko ng ginawa."
"Bakit kase hindi ka human-"
"Hindi ko kaya at kahit kaya ko, hindi ko kailanman gagawin yan."
Natahimik kaming apat. Unti unti na ring nagaalisan yung mga kaschool namin dito sa Rooftop. Hanggang sa kami kami na lang din yung matira. Kaming apat, sila EJ, Aria at Miles at shempre sila Gino at Mikaella. Maya maya sinitsitan kami ni Gino na lumapita kaya lumapit kami sa mga nakatumpok, may pag uusapan pa ata.
"Magmo-mall pa tayo?" narinig kong tanong ni Mikaella kay Gino.
Nakangiting tumango si Gino.
BINABASA MO ANG
She's The Princess Gangster
FanfictionI'm Gino Padilla. Read my Story on how i run into the business called Love. I just fell in-love with a Princess Gangster. Hindi ko alam kung anong meron sha. Hindi ko alam kung bakit sha pa. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto. Basta ang alam...