Chapter 13: You're My Problem

1K 29 2
                                    

“Good morning, sunshine,” bati sa ‘kin ni Juan kahit hindi siya nakatingin sa ‘kin. Nagtaka tuloy ako kung paano niya nalaman na nandito ako.

                “Hey, my gorgeous daughter,” bati rin sa ‘kin ni Papa. “Akala ko tutulungan mo ako.”

                “Uh. I’m sorry, Pa. I overslept.”

                “I know. Nag-breakfast ka na ba?” tanong pa sa ‘kin ni Papa. “Kasi ako hindi pa. Mind to help Juan here?”

                “I’m okay, Tito. Kaya ko na 'to.” Nagulat naman ako sa naging sagot ni Juan. Akala ko ba ayaw niyang tumulong. Bakit nandito siya ngayon? At ang aga-aga pa.

                And what? Tito? Kailan pa sila naging close ni Papa? At ba’t parang ang bait-bait niya ngayon? Ano ba ang nakain niya? Kailangan ko bang matuwa?

                “Ano’ng nakain mo at nagpunta ka rito?” Ako na talaga ang trying hard magtaray. “Akala ko ba ayaw mong tulungan ang Papa ko?”

                “Baby, have you heard the word ‘surprise’?”

                “I kno—Wait. What? Baby?” Napataas pa ang kilay ko nang marinig ko 'yung pagtawag niya sa ‘king ‘baby’. Marami nang tumawag sa ‘kin ng gano’n sa America pero syempre iba pa rin kung kay Juan nanggaling. Medyo kinilabutan ako imbis na kiligin.

                “You got a boyfriend, Millicent?” tanong niya pero umiling lang ako dahil wala naman talaga akong boyfriend. “Well, now you do.”

                “Juan!”

                “What?”

                “Stop joking around. Hindi ka nakakatawa,” inis na sabi ko. “D’yan ka na nga.” Iiwanan ko na siya bago pa niya makita 'yung namumula kong mukha. Nakakahiya.

                Bago pa ako makalayo, naramdaman ko na kaagad ang pagkayakap sa ‘kin ni Juan mula sa likod. “Juan, what do you think you’re doing?”

                “Let’s stay like this. Five minutes.”

                “Baka makita tayo ng parents ko. Juan, let go.” Pilit akong kumakawala sa yakap niya pero masyado siyang mahigpit ang pagkakayakap niya sa ‘kin.               

                “I won’t. Nakita ko. Kakasilip lang nila.” Bigla naman hinanap ng mga mata ko sila Mama. Nakakainis. Ba’t pati sila sinasakyan itong kaabnuan ni Juan? Tapos okay lang sa kanila na ganito si Juan sa ‘kin kahit hindi pa kami?

                “Juan, please, let—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa ‘kin. Konti na lang ay kakapusin na ako sa hangin dahil sa ginagawa nitong lalaki na 'to.

                “Shut up and I will. Ang daldal mo talaga. Halikan pa kita d’yan, eh.”

                “As if maga—“ Nagulat na lang ako nang bigla akong inikot ni Juan paharap sa kanya. “Juan!” 'yun na lang ang tanging naisigaw ko bago maglapat ang mga labi namin.

                Malapit nang pagsamantalahan ni Juan ang kahinaan ko nang biglang mag-ring ang phone niya. Whew. Save by the call. Masyado pa akong bata para sa mga ganitong bagay. At may mga bagay din na kung p’wede iwasan ay dapat iwasang gawin. Katulad na lang no’ng nangyari sa bahay nila Cheska. Pinagsisisihan ko pa rin iyon hanggang ngayon. Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko, namin ni Juan.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now