Chapter 59: The Rejection

808 20 7
                                    

                Nandito kami ngayon ni Karl sa isang restaurant malapit sa campus. Nagpumilit siyang samahan ako kaya hindi na ako nakatanggi. Hindi ko nga lang alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya 'yung napag-usapan naming ni Froi. Pagka-serve ng order namin, tahimik na kaming kumain. Sana nga after nito, 'wag na siyang magtanong at hayaan niya na lang ako hanggang sa makabalik kami sa loob ng campus.

                Habang kumakain kami, panay ang tingin niya sa phone niya. “May problema ba?” tanong ko.

                “Wala. Si Cheska kasi, eh. Hindi na naman matae... Ay, sorry.”

                Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Okay lang. Hindi naman ako nawawalan ng gana kahit sobrang baboy na ng usapan,” nakangiting sabi ko. “So, bakit hindi siya matae?”

                “Ah. Eh, matae means matigil. Tinatanong niya kung nasaan ako at kung alam ko raw ba kung nasaan ka.”

                “Gano’n ba? Eh, 'di sabihin mo na lang ang totoo. Magkasama naman talaga tayo, eh,” sabi ko pa. Tumango na lang siya at saka siya nag-type ng reply kay Cheska. “So, ano’ng sinabi mo?”

                “Na 'wag siyang makulit.” Uminom muna siya nagtubig bago siya nagsalita ulit. “Kapag sinabi ko na kasama kita at kung nasaan tayo, mas mabilis pa kay Flash ang pagpunta niya dito.”

                “Sabi ko nga.” Wala na akong nagawa, kung 'di ang sumang-ayon sa kanya dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi ako nagpaalam kay Cheska na hindi ako sasabay kumain sa kanya kaya malamang pupunta kaagad siya dito kapag nalamang niyang magkasama kami ng kapatid niya.

                Hindi pa kami tapos kumain ay nagtanong kaagad si Kyle. Mukhang hindi ko na maiiwasan ang pagiging persistent nito isang 'to. “So, tell me, ano na ang balita sa inyo ni Froi?” tanong niya.

                “Balita sa amin? What do you mean?” maang-maangan ko pa.

                “Nakapag-usap na ba kayo? Alam na ba niya kung ano 'yung nararamdaman mo para sa kanya?”

                “Nararamdaman ko? Ikaw, sa tingin mo, ano na ang nararamdaman ko para kay Froi?” Curious lang ako kung pareho sila ng sasabihin ni Cheska. Gusto kong makasigurado kung pati ay napapansin na iba ang ikinikilos ko tuwing nasa paligid lang si Froi.

                “Well, for me, hindi ko masabi kung na ang feelings mo for Froi. Nasanay kasi ako na si Juan ang gusto mo. Siya naman kasi talaga ang love mo, 'di ba?”

                “Oo,” mahinang sabi ko.

                “Pero siguro nga, hindi ko lang talaga napapansin na nahuhulog ka na kay Froi. Lagi kasi akong wala sa mga eksenang gan’yan, eh. Ako lagi ang huling nakakaalam kapag may gan’yan sa atin. Isang beses lang akong nauna, palpak pa.” Napakamot pa siya ng ulo nang alalahanin niya 'yung nangyari kay Juan at Meg. Hanggang ngayon pa rin pala, iniisip niya pa iyon.

                “'Wag mo na ngang isipin iyon. Nakalimutan ko na ang tungkol do’n kaya 'wag na nating pag-usapan,” nakangiting sabi ko, pero deep-down inside, medyo nasasaktan pa rin ako tuwing nababanggit ang bagay na iyon.

                “Sorry,” nahihiyang sabi niya.

                “Okay lang. Ako nga dapat ang nagso-sorry sa inyo dahil nagulo kayo simula no’ng mapasama ako sa inyo. Tahimik lang ang grupo niyo dati, pero no’ng nakilala niyo ako, kung anu-anong issue na ang dumating.” Hindi ko naman pinagsisisihan na nakilala ko sila. Iniisip ko lang na sana sa ibang sitwasyon kami nagkakila-kilala.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now