Chapter 65: My Shaken Heart (Fin.)

1K 27 6
                                    

                Christmas break na. Dalawang linggo na ang lumipas simula no’ng nawala si Froi. Hindi siya nagpaparamdam sa amin. Wala manlang siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta o bakit siya umalis? Malakas naman ang kutob namin na pinuntahan niya si Tita Kat. Alam kong iyon naman talaga ang unang gagawin niya once nalaman niya kung nasaan ang Mama niya.

                Pero ang sakit kasi, eh. Hindi na naman siya nagsalita tungkol do’n. Alam kong ayaw niyang madamay kami, pero sana naisip niyang p’wede kaming mag-alala. Gusto naming mag-enjoy ngayong Christmas break, pero hindi namin magawa dahil kulang kami. Gusto sana naming mag-celebrate ng Christmas and New Year togther, pero hindi yata mangyayari iyon dahil wala si Froi. Mas sasaya siguro kung kumpleto kami.

                Christmas Eve na mamaya kaya naman naispan kong tulungan sila Mama na maglinis ng bagay. Nagwawalis ako sa harap ng bahay namin nang may biglang nag-doorbell. Automatic na napangiti ko nang makita ko sila Cheska sa harap ng gate namin. “Pasok kayo,” aya ko sa kanila.

                “Surprise!” sigaw ni Cheska. “Sana naman na-surprise ka talaga sa ginawa naming pagpunta dito nang hindi mo nalalaman.”

                “OMG! OMG! Nandito kayo! OMG!” pang-aasar ko kay Cheska sabay irap niya sa akin. “Hindi ako na-surprise, pero natuwa ako. Sana nandito rin sila Tita Leigh.” Hindi kasi makauwi ang parents nila Karl dahil hindi sila nakapagpa-book ng flight. Okay lang naman daw sa magkapatid dahil hindi naman daw ito ang unang Christmas na wala ang parents nila. Nalulungkot ako tuwing naaalal ko ang tungkol do’n. Mukhang okay sila, pero sa loob-loob nila, alam kong nalulungkot silang dalawa.

                “Here’s my gift for you.” Sabay abot sa akin ng isang paper bag ni Cheska. “Mamaya mo na buksan, ha?” nakangiting sabi niya.

                “Ito naman 'yung akin.” Inabutan din ako ng isang paper bag ni Karl.

                “Baka naman pareho lang ng laman ito?” biro ko sa kanilang dalawa.

                “Hindi, ha!” sabay na sagot at natawa na lang kami pare-pareho.

                “Dadaan daw mamaya si Juan dito. Hindi nga lang niya sinabi kung anong oras,” sabi pa ni Karl. “Tara na sa loob. Para makatulong kami sa pag-aayos.”

                “Maglinis muna kaya tayo dito sa labas,” sabi ko sa kanilang dalawa.

                “Okay!” sabay na sagot nila.

                Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil halatang hindi sila sanay gumawa sa bahay. Magwalis lang ay hindi nila magawa. Tsk. Mga rich kid nga naman. Spoiled na spoiled kasi silang dalawa sa parents nila, eh. Bihira lang kasi silang magkakasama kaya siguro binibigay na nila Tita Leigh ang luho no’ng dalawang anak nila.

                Pagkatapos naming maglinis, binuksan na namin 'yung gate namin. Ganito kasi sa amin tuwing Christmas, welcome lahat ng tao sa bahay. 'Wag lang 'yung masasamang tao. Psh. Hindi naman marami, pero mayro’n pa ring pumunta sa bahay kapag pasko.

                “Hindi pa ba kayo tapos d’yan?” Napatingin kaming lahat nang lumabas ng bahay si Kuya. “Marami pa kayong lilinisin dito sa loob.”

                “Kuya, kaya mo na 'yan!” sigaw ko sa kanya.

                “Iuutos ko ba sa inyo kung kaya ko?”

Love Hate: Her Shaken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon