Chapter 11

2.1K 52 13
                                    

Chapter 11

LUCY'S POV

 

Hinimatay si Jem!

Nagpanic kaming lahat,binuhat ni Vince si Jem agad at dinala namin sa loob.Pumasok kami agad sa kwarto ko at Inihiga ni Vince si Jem sa kama. 

"Maysakit po ba siya?" tanong ni Jun.Hinila ako agad ni Cess palabas ng kwarto. 

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?" seryosong tanong ni Cess.

"Huh?"Nacurious ako bigla. 

"Si Jem..."seryoso ang tingin niya sa akin.Nakakasuspense siya.

"A-ano?" 

"...Yung matangkad,maputi,mukhang mayaman,punug-puno ng charisma at gwapong lalaki sa labas..."She's talking about Vince.Hindi niya ugaling magsinungaling.

"Si Vince?" 

"...kaya siya hinimatay dahil..."

"Ano nga?!"Hindi kasi magkakatugma ang mga sinasabi niya.

"... na-fall si Jem sa kanya."

"W-what?"

"Anong nangyari sa kanya?" tanong sa amin ni Vince.Nasa likod pala namin siya.Parang kabute lang.

"Ah... eh....ano..." anong sasabihin namin?Alangan naman yun diba?Paka pagtawanan kami at sabihing weirdo.

"Ah... na ano siya....um..." si Cess yun. "...masama ang pakiramdam niya."

Sinenyasan niya ako na sumakay sa sagot niya.

"AH! OO!" umagree ako.  

"Ganun ba."

Hindi siya naniniwala.Halata sa mukha niya eh.

"Umuwi ka na.Kami na bahala sa kanya." sabi ko.

"Pinapaalis mo na ko agad-agad. You're so---"

"Wag mo ko da-dramahan ngayon pwede!" saway ko. Then he zipped his mouth.Pero kita yung paawa niya sa amin.Pwes,hindi eepek yan.

"Lucy, ako na bahala sa iba pa mga paperworks." at niligpit niya ang mga papers sa table.

"Iuuwi ko muna yung iba, kayo na bahala maghati dito."

"Ang aga naman ata?"Naglagay siya ng ibang papers sa portfolio.

"Bukas na lang president."Agad-agad siyang umexit. Bumalik ako sa table at hinati ko na ang mga papers.Si Vince naman ay kinuha si Jun at umalis na.

Jemelie,anong kabaliwang to.I mean,parang nakalimutan na ang pangalan ni Norman at umiyak dito nang makita niya si Vince.At eto pa,sabi ni Cess na na-fall siya sa kanya.Sa lahat ng maraming isda sa dagat,Bakit si Vince na shokoy pa?

Umiling ako para maalis na yung mga gumugulo sa utak ko.Pinagpatuloy ko na ang gawain ko.

JEMELIE'S POV

  

Anong nangyari sa akin?Hinimatay ako.

Bumangon ako. Ouch! my head hurts! tumingin ako sa wall clock.

"6 o'clock na pala!"Agad-agad akong tumayo.Sinuot ko ang slippers ko at saka lumabas. 

Hmmm... Walang tao dito. Nasaan na sila?

"Magtigil ka nga!" boses yun ni Lucy ah!galing sa labas.Pumunta ako agad sa may pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapahinto ako sa narinig ko mula kay Prince.Ang cool niya!

"Miss Sungit,i have something to tell you. " Si Princeeee!So kilig!

"Leche, ayoko ng pag-ganyan ganyan mo ah!"pinakinggan ko sila mula dito.Narinig ko ang paghinga niya.

Ano kaya ang sasabihin niya?

Nakatuon ang focus ng tenga ko sa kanila.Nagimbal ako sa sumunod na sinabi niya.

"I like you."  

Napanganga ako dito.Tutulo ang laway ko dito.Ang puso ko,ang sakit.Hindi dapat ganito ang maramdam ko dahil ngayon lang kami nagkakilala.

Nagconfess siya kay Lucy.

Parang gusto kong umiyak.Heartbroken for the 2nd time.Oa kung Oa pero sakit eh.Pero imbes na magalit ako ay bigla akong kinilig.Kahit masakit,nangingibabaw ang kilig ko sa kanila.

Go Vincy!

I'm your number one fan niyo!Haha.Akala niyo kontrabida ako sa kanila.No way!

Ito na ang chance ni Lucy na magka-love life.FINALLY!

May naglakas ng loob na umamin sa kanya.Haha.

Go for it Lucy!

Go VINCY!

Bumalik ako sa table tapos nagkunwari may ginagawa.Nakabangga lang po kasi ako kung anuman at alam kong narinig nila yun.Well,goodluck sa pagpapanggap ko.Jem,pigilan ang kilig mo ah!

---

Living in next to Him(Completed)Where stories live. Discover now