Chapter 42

1.4K 38 1
                                    

Chapter 42

LUCY'S POV

"Hello po tito."Tumabi siya sa akin.

Natahimik ako pati siya.May distance sa pagitan namin tapos ang lamig-lamig pa ng hangin.

"Kamusta ka na?"Nagtayuan agad ng balahibo ko.

"O-Okay naman po." Garalgal kong sagot.Halatang kinabakabahan ako kaya pinat niya ang balikat ko at ngumiti sa akin.

"Bakit ba kinakabahan ka?"

"Ahh...ano... kasi... " nauutal pa.Baka iniisip niya na natatakot ako sa kanya which is true naman pero ayokong malaman nya.

“I know.Is it because of me?"Nag-nod ako agad.

Napahalakhak siya.

"I'm sorry kung natakot kita.Pasensya na sa ugali ko kanina.Hindi lang kasi ako sanay na may ibang tao kami kasalo ngayong pasko." Nagsosorry siya sa akin.

"Pasensya na po Tito."

"Tito Cyrus na lang or call me Papa if you want." Namilog ang mga mata ko sa naririnig.

Tito Cyrus...Papa... shocks!

Akala ko may sama siya ng loob sa amin.Bakit ang bait-bait niya ngayon?

"H-Hindi po ba kayo galit sa akin?”

"I'm sorry Lucy.Sorry sa lahat"He apologized.

"P-po?"

"I'm really really sorry."I felt that he’s sincere and honest.

Mahal na mahal kasi niya si Mama at ine-expect ko pa naman na magwawala siya,sasabihan ng mga masasakit na salita at kung anu-ano pa.

Hindi nangyari lahat yun.

"Naiintindihan ko naman kayo."

"Dahil sa galit ko ay imbes na dito ka sa amin lumaki,napilitan ang asawa ko na hatiin ang oras niya sa yo at sa amin.Sana noon pa man,dito ka sa amin lumaki para maramdaman mo na hindi ka nag-iisa at maranasan ang pakiramdam na magkaroon ng isang pamilya.I'm sorry kung ipinagkait ko sayo iyon."

"Hindi po.Okay lang po sa akin.Kung siguro dito ako lumaki baka hindi ko nakilala ang mga kaibigan ko,si Jun at si---"

Vince.

Napangiti ako,Eh?

"Problem?"Napansin ni Tito ang pamumula ko.

"W-Wala p-po... wala to..."Napayuko na lang ako.Ba't ba sa tuwing binabanggit ang pangalan niya, nagkakaroon ako ng reaksyon ang mukha ko?

 "Vince is his name right?"Nagbago na ng topic si Tito.At bakit si Vince pa?

"Bakit naman sumali sa usapan ang mokong na yun?"

"What's the real score?"sabay kindat sa akin tapos nakangisi.Hindi ko alam na magkaparehas sila ni Tito.

"Score?"

"Tama nga si Danilo, ang slow mo."

"Kahit kailan ang lalaking yun!Makakatikim siya sa akin."

"Parehas talaga kayo ng Mama mo."

“Huh?”Tumawa lang si Tito.Siguro naalala niya si Mama sa akin.

"At least i'm not clumsy as her."

"May pagkakapareho kaya bukod sa ugali, pati mukha.You're really like her teen version." Hinaplos niya ang pisngi ko.Nakangiti pero kita ang kalungkutan sa mga mata niya.

Living in next to Him(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon