Chapter 1:The real me

67K 1.3K 153
                                    

*EDITED*

A/N:Hello!! First time kong gumawa ng Fantasy kaya pagpasensiyahan nyo na kung hindi kayo masatisfy. Pero sana magustuhan niyo! Enjoy reading!

--//--//--//--

ALEXIS'sPOV

"ALEXANDRIA!!"Hayy eto nanaman ang Stepmom ko. Oo Stepmom ko wala na kasi ang mommy ko, ni hnd ko nga siya nakita ng personal eh at ang itsura niya. Ang Dad ko naman ay namatay dahil sa car accident, kasama ako nun pero ako lang ang nakaligtas.

Ako nga pala si Alexandria Kirsten Martin. Pwede rin na Alexa or Alexis or kirsten. Mag cocollege na ako sa pasukan. 16 yrs. old.

Ang stepmom ko nalang ang nag-aalaga sakin wala na rin siyang asawa wala na si dad ehh. Meron siyang anak na si Trisha Mae Martin. Lagi rin akong binubully niyan ehh. Pati ang stepmom ko pero minsan ay hinahayaan ko nalang.

"Po?" Tanong ko kay Mrs.Martin. Ayaw kasi niya ng Mom ang tawag ko sakanya. Ang kapal noh? Di nga cla kasal ni Dad ehh pero dala dala niya surname ni Dad.

"Ikuha mo ako ng tubig! Bilis!" Utos niya. Hindi ko alam kung bakit ako ang inuutusan niya, eh andami daming maid namin dyan ehh.

"Opo" At kumuha na ako ng tubig sa kitchen.

"Oh para kanino yan?" Tanong sakin ni Aling Kristine. Siya ang pinaka close ko sa lahat ng katulong namin.

"Kay Mrs.Martin po" Sabi ko ng naka ngiti.

"Ah oh sige."

Pumunta na ako kay Mrs.Martin para ibigay ung tubig.Malapit na ako sakanya ng bigla akong madapa dahilan para matapon ung malamig na tubig kay Mrs.Martin. OMG!

"Hala! Sorry po!" Sabi ko habang kumukuha ng tissue at para punasan ang swimsuit niya. Andito kasi siya malapit sa pool..

"You!! Alam mo ba kung magkano to?!?! Mas mahal pa to sa buhay mo!!" Sigaw nya sakin. Ako naman ay nakayuko lang habang nagsisimulang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko naman alam na bawal pala mabasa ang swimsuit.

"S-sorry po" Sabi ko nalang.

"Pffft--" May narinig akong natawa sa may gilid, tinignan ko kung sino--si Aliana. Siya ang step-sister ko.

"Hi mommy!" Bati niya kay Mrs.Martin at niyakap ng mahigpit.

"Hi baby!" At niyakap niya rin ito. Nang magkahiwalay na sila at masamang tumitig sakin si Mrs.Martin.

Nagulat nlang ako ng bigla niya akong sinabunutan. Nagulat ako dahil ang sakit ng pagkakasabunot niya sakin. Naiiyak ako lalo. Ano bang problema niya?

"Ang kapal ng mukha mong tapunan ako ng tubig!! Yan ang nababagay sayo!! " Sabi nya at itinulak ako sa swimming pool. Hindi ako marunong mag swimming lalo na kung 6 feet ang lalim ng tubig.

Tinatry kong lumangoy para makapunta ako sa taas at makakuha ng hangin. Nagulat nlang ako ng bigla akong makahinga sa ilalim ng tubig. At nakakita ako ng red na bilog na parang pinoprotektahan ako at nakapalibot sakin. At unti unti akong umaakyat sa taas. Naramdaman ko nalang na naka apak na ako sa lupa sa harap ni Ms.Martin at Aliana.

Gulat na gulat sila sa ginawa ko. At maski ako ay gulat.

"M-monster!!" Sigaw ni Aliana at nagtago sa likod ni Ms.Martin.

"Alexis! Jusko! Ikaw bata ka!" Sigaw ni Aling Kristine. Binigyan niya ako ng towel at tinulungan pumasok sa loob ng kwarto ko.

Gulat parin ako sa nangyari kanina.

"Alexis, ayos ka lang ba?"Tanong ni Aling Kristine. Nag nod nalang ako bilang sagot.

"Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong niya sakin.

"K-kanina p-po...n-na...nakahinga po ako sa t-tubig" Sabi ko ng nauutal.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Alam kong mahirap paniwalaan yon. Syempre. Pero kanina nangyari ehh. At hindi ako makapaniwala. Pano nangyari yun?

"Sa tingin ko kailangan ko ng sabihin sayo" Naiiling na sabi nya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"P-po?"Takang tanong ko.

"Hindi ka normal na tao. Isa kang taong may kapangyarihan at pambihirang lakas." Nagulat ako sa sinabi nya. Taong may kapangyarihan? Imposible!

END OF CHAPTER

--//--//--//--

Reminder: I noticed na madami nagtataka sa age,16 years old pero college na.This story was written way before k-12 was even announced/started. Thank you

Althea Magics Academy (COMPLETE)Where stories live. Discover now