Epilogue Part 1

15.2K 387 6
                                    

A/N: Part 1 po to! Hinati ko nalang po sa dalawa ung Epilogue! :)
-//-//-//-

ALEXIS's POV

"This could be a trap"Sabi

ko. Pinagmamasdan ko parin ung paligid. May kakaiba.

Pati kay Ela, may kakaiba.

"Paanong trap?"Takang tanong ni Ela habang nagmamasid sa paligid.

"D ko pa sigurado pero pwedeng may plano sila"Sabi ko.

At baka isa ka sa mga nagplano.

kailangan ko magingat at baka may gawin ka. Sa ngayon, makikipaglaro muna ako sayo.

***

ELA's POV

"No! A-alexis!" Sigaw ko ng makita ko ang ipinakita ng isang bubwit na panget. Sino ba kasi to?

Ipinakita niya si Alexis na kasama ang Ela na peke! Siguradong may plano tong peke na to! Sana naman mapansin ni Alexis na hindi ako un!

"Sino ka ba kasi?!" Galit na tanong ko kay Bubwit. Hindi ko kasi siya kilala eh, tas kung ano ano ung mga sinasabi niya na papatayin niya daw si Alexis.

Hindi ko alam ang plano ng bubwit na to pero ang alam ko lang ay hindi iyon maganda. Kahit na maliit to hindi pwedeng baliwalaiin lang.

"Melanie dear, you really have no idea, do you?" Pagkatapos niya sabihin yon ay ngumiti siya ng nakakaloko.

Kung pwede ko lang siya gamitan ng kapangyarihan kanina ko pa ginawa. Pero hindi eh kasi may posas ako na kumukuha ng kapangyarihan ko at ng lakas.

"Duh! Magtatanong ba ako kung alam ko?"Nagtaas pa ako ng kilay.

"Ok. Let's say I want Alexis' beautiful power. Buong mundo ko hinanap yang kapangyarihan ng NEFAW, even the mortal world- but I failed. I didn't even thought na isang katulad lang ni Alexis ang nagmamay-ari ng pinaka-inaasam asam ko na kapangyarihan. Parang it's too good to be true. Diba? Kaya ng mabalitaan ko kay Zai na si Alexis ang magmamay-ari ng NEFAW, Inutusan ko siyang patayin si Alexis pero hindi niya ako sinunod ng malaman niyang pinatay ko ang nakababatang kapatid niya. Hahaha! That boy."Sabi niya.

"Kaya ng hindi siya sumunod, ako nalang papatay kay Alexis but Sky was always protecting her. Ni hindi ko siya malapitan. Kaya Plan C. Get her power. Naisip ko na kapag napasaakin ang kapangyarihan niya, ako ang magiging pinakamalakas. Ang talino ko diba?"Sabi niya at tumawa ng malakas.

Pang demonyo.

"Pathetic"

At dahil sa sinabi ko ay ginamitan niya ako ng kapangyarihan.

"Ugh!"Ansakit!

***

THIRD's POV

"Xandra!"Sabi ko ng makita ko si Alexandra sa isang kulungan. Nakahiga lang siya sa sahig ni walang kama manlang. Madungis din siyang tingnan sa tagal ba naman nila dito ni Ms.Martin.

Nung una, hindi ko nakilala si Alexandra sa itsura niya. Dati kasi bago dumating si Alexis, lagi siya nasa panaginip ko na sinasabi na malapit na nga daw dumating ang isa ko pang pinsan na nawalay samin at ang hinahanap ni Dark Lord kaya protektahan ko daw.

Pero sa tingin ko, hindi na kailangan dahil alam kong pasimpleng prumoprotekta si Sky kay Alexis. Parang ngang may gusto un sa pinsan ko.

Ewan ko ba kung bakit parang hindi pansin ni Alexis. May pagkamanhid kasi un eh!

Parehas sila ni Ela.

Tas ang torpe pa ni Sky.

"T-third?"Takang tanong niya. Nagtataka siguro siya paano ako napunta dito. Buti nga nakatakas ako nung naglabas ng itim na usok si Dark.

Althea Magics Academy (COMPLETE)Where stories live. Discover now