Tns014

60 1 0
                                    

Alam mo yung gusto kong ngumiti dahil sa iyong tula,
Pero di ko na magawa,
Di ko kaya,
Bagkus ay luha ang tumulo sa'king mga mata.

Nang dahil sa sakit ng aking nadarama,
Hindi ko na rin makita ang halaga ko at halaga ng iba,
Hindi ko alam kung ano ba ang aking nagawa,
Sa mga taong mapanghusga.

Ayoko na,
Gusto ko ng tuldukan ang aking paghinga,
Nang sagayo'y wala na akong maramdaman,
At tuluyan na akong mawawala.

Gusto ko ng lumisan,
Pero isip ko ako'y pinipigilan,
Dahil kanyang pinagiisipan,
Na kung mawawala ako pano nalang mga taong iiwanan ko.

Alam mo yung sa andami niyong dapat na gawin,
Pero di mo na malaman kung ano at sino ang dapat mong unahin,
Yung hindi mo na lubos maisip ang sarili mo,
Basta ngumiti lang sila ay okay kana.

Pero ano bang aking nagawa?
Ano bang maling aking ginawa?
Sa tingin ko wala,
Pero ba't kayo nagkakaganyan.

Sabi ko sa sarili ko,
Hindi ko iintindihin mga sinasabi niyo,
Hindi ako maniniwala,
Pero ang hirap matulog sa gabi sa tuwing sumasagi sa isipan mong may problema nga.

Hindi na ako gagawa ng kahit anong hakbang,
Dahil alam ng nasa itaas kung ano ang totoo,
At kung sino ang nagsasabi ng totoo,
Kaya sige lang ituloy niyo lang.



PAMAGAT:
"Sa iyong tula"

Tula ng SawiWhere stories live. Discover now