TnS018

25 1 0
                                    


Muli kong sisimulan,
Kung pa'no tayo nagmahalan,
Kung pa'no kita nagustuhan,
Sa kung pa'no mo ako iniwan.

Sisimulan ko na lahat
Ngunit bago ko ipaalam ang dapat,
Nais kong isipin mong maigi,
Na ako'y lubos na naging tapat.

Sisimulan ko na,
Sa paraang simulang matatapos na,
Yung pasimula palang,
Di mo na mamamalayang tapos na ang lahat.

Ito na ang simula,
Maglalahad ako ng apat na salita,
Na noon ko pa iniinda,
Ito na at maririnig mo na.

Sakit,Galit,Tiis at Hirap,
Apat na salitang kay saklap,
Na animo'y inakala mong ang sarap,
Ngunit sinasabi ko iba ako sayo sa harap.

Nasabi ko na ang apat na salita,
At di ko na rin alam kung ano pa ang masasabi ng makata,
Magbibigay pa ba ako ng kataga?
O,tapusin nalang kahit ito pa lang ang simula.




PAMAGAT:
"Mahal tapusin na natin"

Tula ng SawiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt