TnS022

50 0 0
                                    

Hawak ko na ang aking lapis,
Upang isulat aking paghihinagpis,
Lahat lahat ng aking pagtitiis,
Gustong maglaho ng ganong kabilis.

Sa pamamagitan nito,
Nais kong malamn kung ako ba'y susuko,
O muling lumaban para dito,
O di kaya'y sa kumukupas na tayo.

Kung ako ma'y susuko,
Baka ito na ang dulo,
Nang pagsasamahan ng ikaw at ako,
At luha'y kusang magsisitulo.

Anong rason para ako'y sumuko na,
Hindi ba't mahal pa naman kita?
Anong rason para lumaban pa?
Kung nagmumukha na akong tanga?

Gusto kong lumaban,
At muling ipagpatuloy ang ating nasimulan,
Kasi sayang naman,
Kung magtatapos tayong luhaan.

Gusto kong lumaban,
Ayokong ika'y sukuan,
Kahit pa pairalin ang aking katangahan,
Basta para sayo aking mahal.

Gusto kong lumaban,
Salitang matagal kong pinanghawakan,
Gusto ko pang lumaban,
Salitang paulit-ulit kong sinusubukan.

Sinusubukan kong intindihin ka,
Pilit pinapaniwala ang aking sarili na mahal kita,
Mahal kita kahit ang sakit na,
Mahal kita kahit alam kong hindi na tama.

Gusto kong lumaban pa,
Dahil di ko kayang wala ka,
Miss ko na 'yung dati,
Dati na hindi laging away bati.

Gusto kong lumaban pa,
Dahil baka may pag-asa pa,
Umaasa ako na maibabalik pa ang dati,
Na mahal natin ang isa't isa araw man o gabi.

Dati okay pa tayo,
Dati masaya naman tayo,
Dati mahal mo naman ako,
Bakit ngayon tila maraming nagbago.

Ang lumaban,
Ang salitang noon ko'y pinanghahawakan,
Yan yung di ko pa pinapairal aking katangahan,
Pero ngayon,ayoko na,suko na ako.

Oo,tama ang narinig mo,
Gusto ko ng sumuko,
Dahil pagod na pagod na ako,
Sa kakahanap sa salitang tayo.

Hindi ko nga alam kung pa'no nga ba tayo,
O may tayo pa ba,
Nung una okay naman tayo,
Pero bigla kang nagbago.

Suko na ako,
Dahil 'di ko na kaya,
Ang sakit umiyak ng walang tulong luha,
Ang hirap magpanggap na okay tayo kahit di naman talaga.

Suko na ako,
Dahil mukhang ako nalang ang lumalaban,
Lumalaban sa ating sinumpaan,
Sinumpaang 'di umabot sa hangganan.

Suko na ako,
Hindi dahil 'di na kita mahal,
Kundi dahil pagod na ako,
Na iparamdam sayo kung ga'no kita kamahal.

Ipinaglaban kita,
At tama na,
Suko na ako,
At yun ang tama.



PAMAGAT:
"Suko na"

Tula ng SawiWhere stories live. Discover now