sixty six.°

865 41 21
                                        

SANTI

"Hindi ka pa rin niya kinakausap?" Bungad saakin ni Winter ng makarating ako sa booth namin. Ngayon ung araw kung kailang magbebenta lang kami para sa entrep.

"Sino?" Inilapag ko ang bag ko sa upuang katabi ni Yanna.

"Sino pa ba? Si Papa Kulog." Sagot ni Janella habang nag aayos ng mga ibebenta.

Napabuntong hininga nalang ako at tumulong kila Janella.

"Bakit ka ba hindi kinakausap?" Bulong sakin ni Ella.

"I don't know. Nung matapos ang 3 weeks na yon, nag paalam siya sa chat and hindi niya na ko pinansin. Ayaw niya rin ako maging kaibigan." Sagot ko.

"Eh baka naman kasi nasaktan." Nakisawsaw si Iris sa usapan namin.

"Bakit naman masasaktan si Thunder? Wala naman akong ginawang makakasakit sa kanya."

"Malay mo. May nagawa kang hindi mo alam eh nakasakit na pala sa kanya." Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi ni Iris.

"Ayusin na natin to, ayan na sila Jennie. Mag s-start narin." Utos ni Winter.

---

"Sigurado kang dito ka na mag iintay?" Nag aalalang tanong ni Winter saakin. Nakaupo ako dito sa may waiting shed sa labas ng school, nakatayo naman siya sa harap ko.

Pauwi na siya, dapat sabay kami kaso sabi ni Saint hintayin ko siya kasi dala niya iyong motor niya.

"Oo nga, tsaka isang oras nalang naman labasan na din nila Santo." Sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka ha? Gabi na eh. Basta magingat ka ok?" Tumango ako sa kanya. Niyakap niya muna ako bago pumasok sa kotse nila kinawayan ko siya bago umandar ang kotse paalis.

Napabuntong hinga ako habang nakatingin sa mga paa kong iginagalaw ko.

"Iniisip mo siya? Na-aalala mo lahat ng masayang alaala niyo? Gusto mo na siyang makita? Miss mo na siya?" Nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ko.

"Yuta." Banggit ko sa panggalan niya.

"Taggal ng wala ni Thunder ano? Nilamon na ng SoKor." Sabi niya.

"Oo nga eh." Sangayon ko.

"Miss mo na ba?" Hunarap siya sakin ng may pangaasar na ngiti.

"Siguro..." Sagot ko.

"Mahal mo na ba?"

"Lah, parang gago." Inirapan ko siya. Tinawanan niya lang ako.

Patuloy lang kami nag kwentuhan ni Yuta. Nakilala namin ang isa't isa. Matagal na pala siyang kaibigan ni Thunder.

"Santi." Sabay kami napalingon ni Yuta sa tumawag sa pangalan ko.

Kumunot ang noo ko. Lumapit siya saakin at akmang hahawakan ang kamay ko pero umiwas ako.

"Sorry Santi, please im sorry sa nagawa ko." Lumapit pa siya saakin at hahawakan ulit sana ako.

Aba, hinawakan ko iyong baba ni Yuta.

"Sige subukan mo lumapit sasaksakin kita!" Banta ko sa kanya.

"Aray ko, puta Santi iyong baba ko! Tae masakit!"

"Santi."

"Lumayas ka na! Wag kang mag papakita sakin! Pag umuwi yung hinihintay ko hindi lang baba niyo ang isa-saksak ko sayo gago ka!" Banta ko. Napabuntong hininga naman ito bago naglakad paalis.

Binitiwan ko narin iyong baba ni Yuta.

"Wow ha, ang sakit non ha. Nauurat ako sayo." Sabi niya habang hinahawakan iyong baba niya.

"Sorry ayaw kasi ako tigilan non eh." Paumanhin ko.

"Diyan ka na nga! Makukulong pa ko dahil sayo." Nag lakad na siya paalis.

Napaupo nalang ulit ako para hintayin si Saint.

Ilang minuto ng makaalis si Yuta ay ang pagdating naman ng isang gold na van sa harapan ko.


Gold? Puta seryoso?

Biglang bumukas yon at lumabas ang 5 kalalakihan. Lumapit sila saakin, nakatunog agad ako.

Akmang tatakbo na ko ng biglang hawak nung dalwang lalaki ang magkabila kong braso.

"Sumama ka samin!" Sabi nung isa. Teka, bakit kaboses ni yuta?

"Ano ba bitiwan niyo ko!" Nagpumiglas ako.

"Wag ka nang magulo! Sumama ka na!" Pilit nila kong sinasakay sa van.

Hindi ako pwedeng makuha. Kailangan kong makatakas.

Tinuhod ko ung lalaking kaboses ni yuta.

"Aray ko puta, mababaog ako, aray ko! Di na ko makakabuntis tae!" Sumigaw siya sa sakit.

Tatakbo na sana ko ng biglang may humarang saaking kasamahan nila at may pinaamoy saakin.

At Unti-unting nag dilim ang paningin ko.

---
Dying bcs of BadBoy. Rip heart & soul.

For Hire • lee taeyongWo Geschichten leben. Entdecke jetzt