sixty seven.°

843 58 34
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko.
Bakit ang dilim parin? Nasa kili-kili na ba ko janella? Joke lang.

Nakarinig ako ng mga boses.

"Akala ko ba mahal niya to? Bat ba pinakidnap saatin to?"

"Aba malay ko, nakashabu ata nung bumalik nung SoKor."

"Sakit parin ng baba ko shet."

Uy, boses ba iyon ni Yuta?

"Hoy! Ang papanget niyo! Saan niyo ko dinala! Babaho niyong lahat!" Sumigaw ako.

"Aba! Pigilan mo ko sasabunutan ko tong gagang to!" Sabi nung isa sa kanila. Wait, si Ten ba yon?

"Ten?" Tanong ko.

"Ehem,Ehem. Sinong Ten ang sinasabi mo? Manahimik ka nga." Biglang naging parang lalaki na iyong boses.

"Hay! Ano ba yan, bat ba kasi ako pumayag? Nakokonsensya na tuloy ako." Narinig kong boses malapit saakin. Nasa tabi ko ata?

"Oo tama, makonsensya ka. Pakawalan niyo na ko. Please, mahal ko pa buhay ko. Ayoko pa mamatay. May hinihintay pa ako." Pag mamakaawa ko.

"Hoy. Hihingi ka pa ng tulong diyan sa kasama namin. Wala ka rin namang takas, Labing-siyam kaming lahat." Epal nito. Feel ko maliit to, tapos mapanga.

"Edi wow, balik mo muna sa albay iyong mayon." Sabi ko.

"Aba!"

"Pabayaan niyo nayan! Wag niyong patulan. Malalagot lang tayo kay leader." Sabi nung isa.

"Ano bang kailangan niyo saakin?!" Wala naman akong pinagkakautangan! Wala kong pinatay. Banal ang pamilya ko.

"Hindi naman kami ang may kailangan sayo. Iyong nag padukot sayo. Malaki ang utang mo sa kanya." Paliwanag nung basta! Di ko nga nakikita diba?

"Ano ba gusto nung panget na yon?! Pera?! Magkano ibibigay ko!"

"Sigurado ka panget yon?" Tanong saakin.

"Oo! Kasi ayaw niya ipakita mukha niya saakin!" Sagot ko.

"Gaga! Malamang nakatakip mata mo. Kaloka!" Sabi nung kaboses ni ten.

"Hindi pera ang kailangan niya." May nag salita.

Ano?! Uy teka? Hala!

"virgin pa ko!"

"Hoy! Takpan niyo iyong tenga ng mga bata!"

"Pakawalan niyo na ko! Di ako magsusumbong promise!" Pilit ko.

"Tulungan niyo ko! Tulong!"

Sigaw lang ako ng sigaw at humihingi ng tulong. Minsan ay minumura ako nung kaboses ni Ten dahil daw ang ingay ko.

Natigil lang ako kakasigaw ng makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

" Oh, nandito ka na pala. Ano nang balak mo?" Tanong nung isa sa dumating ata? Eto na ata iyong nag padukot saakin.

"Sino ka ba?! Anong kailangan mo saakin?! Hoy pakawalan mo ko!"

"Hoy! Ang panget mo pakawalan mo ko! May kailangan pa kong hintayin!"

Biglang tumahimik ang paligid. Tanging tunog lang ng sapatos na papalapit saakin ang naririnig ko.

Unti-unting lumuwag ang tali sa na nakatakip sa mata ko. Dahan-dahang luminaw ang paningin ko at isang mukha ng tao na napakalapit ang nakita ko.

"Thunder..."

"Hi baby."

For Hire • lee taeyongWhere stories live. Discover now