thirty four.°

809 59 32
                                    

THUNDER

Palabas na ko ngayon ng airport. Ako lang ang magisang umuwi ngayon kasi sa totoo lang nakakabagot talaga sa SoKor. Halos lahat na ata ng lugar dun ay napuntahan ko na. Ayaw pa nga ako pauwiin nila Mama eh.

"Thunder Hyung!" Napalingon ako sa mga sumigaw. Nakita ko ang mga siraulo kong kaibigan na kumakaway saakin. May mga bitbit pa itong cartolina na ' welcome back hyung' 'thunder lee oppa!'

Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay iyong hawak ni ten na cartolina na may 'welcome back cheater!' Suot niya rin ang bitch face niya.

Hindi niya ba talaga matanggap na hindi kami talo?

"Hyung!" Sinalubong ako ng yakap ng maknae line namin ng makarating ako sa kanila. Naramdaman ko din parang may umagaw ng mga bagahe ko.

"Hyung! Buti bumalik ka na! Mauunahan ka talaga nung Jamier na yon!" Sabi ni Hans.

"Oo nga! Dapat kayo lang ni Santi noona. Mawawala ang barko ko! Tandaan mo dahil saakin nag kakilala kayo!" Dagdag ni mark. Parang ang laki naman ng utang na loob ko sa kanya.

"Wow! Daming choco pie neto hyung! " Sabi ni Casper habang hinahalukay nila ung bag ko.

"Nga pala hyung! May regalo kami sayo." Nagtaas baba ang kilay ni Winwin. Napakunot naman ang noo ko.

"Ano?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi ano, sino!" Sabay sabay nilang sabi.

"Ok, sino?"

"Thunder!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang isang babaeng-- mali, isang osong napakaganda ang tumatakbo papalapit saakin.

Lalo akong nagulat ng yakapin niya ko.

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at mayroong ibinulong.

"Namiss kita, thunder baby."

For Hire • lee taeyongWhere stories live. Discover now