That Girl

360 24 41
                                    


Calix Raian POV


Papunta na ako sa Gymnasium nang maka tanggap ako nang text message kay Sierra.

1 Message Recieved

From: Ms. Pasaway

Calix, Babe wag kang mambababae ah.. May spy ako sa School Love u ♥

rereplayan ko na sana pero biglang sumulpot sa tabi ko si Kuya Railey. Mukha nanaman syang pinagbagsakan nang langit at lupa siguro hindi parin sya maka recover sa pakikipag break sa kanya ni Sierra.

"Sya nanaman ba???"

Hindi sya sumagot sa tanong ko obvious na obvious naman na tama ako.

"I think hindi ko na talaga sya makukuha... Narinig ko sa buong Campus na may bago syang boyfriend. At Sabi pa nila Gwapo at mukhang mahal na mahal sya ni Sierra.."

Kinabahan ako sa narinig ko. Gusto kong mag explain kay Railey na mali yung usap usapan na hindi naman kami ni Sierra. Dahil ayokong magalit saakin. Ayokong mag away kami ni Kuya Railey higit pa Mag pinsan at bestfriend ang turi ko sa kanya.

"Kuya baka naman tsismis lang yun..."

"Nope.. Marami din nag sasabi saakin nang mga yun.. Gusto ko ngang alamin kung sino.. Kung mas gwapo at mas mayaman saakin. "

"Kuya wag kang mag isip nang mga ganyan.. "

"Hindi ko kasi matanggap eh. Malaman ko lang kung sino yun uupakan ko yun.. Tangina nya.."

Lalo akong napaparanoid dahil sa sinabi ni Kuya. Tumayo sya at binitbit ang Bag nya.

"Wait saan ka Pupunta Kuya Railey?????"

Sinundan ko sya nang sinundan nakita ko syang nakatayo sa stage at pinagmasdan si Sierra na naka tayo . Yung mga kaibigan nya ka member din nya sa Cheering Squad.

"Tignan mo sya Calix... ang ganda nya diba???"

Tumingin ako kay Sierra. sabay tingin kay Kuya Railey.

"May mas maganda pa sa kanya sa School na ito. Hindi lang sya..."


¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.



"Nope.. she's the most beautiful girl in this school..."- Depensa ni Kuya Railey saakin.

"May mas maganda pa sa kanya.. Ituturo ko sayo pag nakita ko sya. Ibang iba sya kay Sierra, Mahinhin sya, magalang, madaldal din pero di hamak na mas mabait kesa sa kanya,."- Sabi ko sa kanya.

Tumingin tingin ako sa paligid at swerte ngang nakita ko sya na naka upo sa Waiting Shed at mag isa.

"Lianne...."- Sigaw ko sa kanya at buti nalang nakita nya ako.

Sierra Sanya Perez, The Campus Queen Bee (VKOOK)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora