Chapee 2. with THEM

140 6 3
                                    

0o.Winnifred’s POV.o0

 Sa school..

4th year high school na kami this year. Magka-klase kaming magba-barkada. Nasa section B. HAHA. Di na rin masama. Matalino naman ako eh. Actually, promoted na sana ako for 1st section, hindi sa pagmamayabang, kaya lang mas pinili kong sa B na kasi nandun ang mga loko. Walang iwanan eh! Hehehe.

Lima kaming sa barkada. Syempre, isa na ako dun sa lima. Then there's Bell na nakilala nyo naman na and I would be of duty to introduce to y'all the three musketeers. No, three idiots pala dapat. Hahahahahahaha

Unahin ko na ‘tong katabi ko sa kanan.. si Diego Nolan Bautista. Boyfriend yan ni Bell. 2nd year kami nang naging sila. Matangkad, gwapo, may pagka-kulit din, at tulad ko, mahilig din sa pagkain. Pero may mga pagkakataon pading inaatake ng kaseryosohan at katahimikan. Oh well, who would blame him for he is naturally that type of person. Lumabas lang ang kakulitan ng buto nyan nung naging sila ni Bell. Who wouldn't fall for a guy with humor, eh? Kaya nagsumikap talaga yan para makuha ang kiliti ni Bell, at ngayon sanay na sanay na sa kalokohan ang loko.

Hindi na mapaghiwalay ang dalawang yan! Nakakaselos nga minsan eh! Sila lang dalawa ang may lakad at nag-a-outing =_____________=

Pero naman hindi nalang kami nagdedemand masyado ng oras sa kanilang dalawa kasi kailangan din naman nila ng oras at privacy sa relasyon nila. We all understand it. As long as they're both happy and they make each other happy, masaya nadin kami. Supportive friends, they got ;)

Eto namang nasa kaliwa ko, si Alexander Xavier Castillo. “Ax” for short. Siya lang naman ang nag-iisang playboy ng batch namin -_______- O baka madami sila kaya lang mas visible siya kasi mas proud sya sa ginagawa niya? Well, whatever his reasons are. Bakit ko nasabing playboy? Aba! Pinakamatagal na relationship nyan e aabot lang naman ng 2 weeks! Pagkatapos makipag-break, may bago na agad yan! tsk-tsk. Ganyan katinik sa chix si Castillo.

Palagi nga akong inaasar nyan eh ! bakit daw hindi ko subukang patulan siya. Eh kung putulin ko pinagmamayabang niya nang makita niya hinahanap niya? May nagmamay-ari na kaya ng puso ko *chos* HAHAHA.

Pero kahit ganyan yan, marespeto pa din naman. Di nga lang halata. Sobrang cool nyan! Gwapo din naman kasi, kaya maraming nagkakagusto at na-iinlove, wag nyo lang kami isali na tatlo sa barkada. Walang malisya ang paghanga namin sa kagwapuhan nya, ano.

Sa kaliwa naman nya naka-upo si Sophie Aaliyah Mendoza, o mas kilala sa tawag na “Sam”. Initials nya yan, if u can observe.

Cute na babae yan! Minsan na-to-tomboy ako sa kanya eh! haha. Pero syempre, joke lang ! Childish at spoiled yan! Palibhasa, only child kasi. Tsaka, babae pa kaya mahal na mahal ng parents. But it doesn't make her a brat though. She's humble. Malayong-malayo sa spoiled na iniisip ng isang tao.

 Kaming lima, ay pawang makukulit na mga bata ! kung pwede pang ma-consider na bata! Haha.

Si Bell nga pala ay naka-upo sa gawing kanan ni Diego. Tabi talaga yan sila. Sanay na kami. Inseparable eh!

Hindi ko namalayang isang napakalalim na buntong-hininga na pala ang napakawalan ko.

“ang lalim naman ata ng iniisip mo!” puna ni Ax sa akin.

"Eh kasi.. *sigh* wala! Wag mo na akong intindihin. Nag-da-drama lang ako ngayong araw” sabi ko nalang. Ang OA mag-react eh. hehehehe. Palibhasa, hindi naman talaga ako ganito. 

“Ah, oky. Sabi na kasi sa’yong tayo nalang diba?” Pang-aasar na naman nya sa’kin at kinindatan pa ko ng loko. Malanding 'to!

"Batukan kaya kita! Gusto mo? Tss.” -________________-

"Oo na nga. hindi na!”

*lesson*

*lesson*

*lesson*

*lunch*

*lesson*

*lesson*

Hanggang sa tumunog ang isang napakagandang awitin. Tunog ng bell. Yes! Uwian na! Like normal students, favorite ko din ang uwian bukod sa recess. Nyohohoho! Makakapag-FB na rin! Hehehehe.

Okay. Nasa labas na ako ng gate. Hintay sa kuya kong gwapo!  Sarcasm overload yun, pramis pa!

Nauna nang umuwi ang apat. Syempre, sabay umuwi sina Bell at Diego. Si Sam, ayun sinundo na ng driver nila. Si Ax? Ano pa ba aasahan dun, e di may ka-date na naman! Pssssh!

After 10 minutes… dumating na rin sa wakas !

"Antagal ah!” sabi ko sa kanya. Half-biro, half-inis! Sabay pasok sa kotse nya. Oo na, siya na may kotse  -____-

"Pasensya naman ah! Andaming kelangan tapusin!” sarcastic na sagot niya.

“Busy? First day of school pa lang ah! Marami na agad tatapusin? Anu kaya yun! Tss”

"College na po ako! At ang daming requirements, para sa kaalaman mo! Di katulad mo, hindi na nagtino. Parang bata umasta.”

"Salamat kuya ah! ang SWEET mo!” -______________- 

"Alam ko! Hehe” aaaay? Hindi ba nya na-feel ang sarcasm dun?! Tss. Typical attitude of my kuya. Parang engot. Ssssssssh. Wag nyo sabihin sa kanya ah?! :DD

Nang makarating sa bahay, parents ko agad ang hinagilap ko.

"Hi mom! Hi dad! Na-miss ko kayo" bati ko sa parents ko pagkadating namin.

“hi mom! Dad!” bati ni kuya sabay akyat papunta sa kwarto niya.

Kahit kelan, walang sweetness sa katawan, maliban na lang sa girlfriend nya. Tss. OPO. May girlpren na po yang tangengot na yan! Kaya nga nagsusumikap mag-aral. Pa-impress kasi. Bwahahaha. Matalino kasi girlpren. kaya ayan!

"Hi anak! Na-miss ka din namin baby.” Mom ko yan. Yakap niya ako.

“Oh, napano na naman yung kuya mo? Parang badtrip ata!” sabi ni dad. Nagbabasa ng magazine.

“Haynakuuu dad! Parang di ka naman na nasanay dun! Sa girlfriend nya lang yun sweet. Hehe. Pero minsan, sa akin din naman! Hehehehe” sabi ko.

“Haha. Pabayaan mo na. nagsisipag na kasi sa pag-aaral eh! mabuti na rin yan.” –Mom

“Oo nga. Hmmmm. Mom, gutom ako. Wala bang snack dyan? hehe”

“Oo, meron. Teka, ipaghahanda ko kayo ng merienda. Basta ba pagkain, ikaw na talaga!”

“Mom naman! San ba ako nagmana nyan? Haha” sabay ngiti ng pagka-lapad-lapad !

“Eh di sa dad mo!” /evil grin/ sagot naman ng mom ko.

“Oy, anong ako? Hindi kaya!” pagtatanggol ni dad sa sarili nya. Hahahahahaha

“Magtatalo na naman kayo nyan. Magbibihis lang po ako.” Sabay akyat sa kwarto ko.

Pero bago ako pumasok sa kwarto ko, dumaan muna ako sa kwarto ng kuya ko para silipin kung anong ginagawa niya.

O__________________________O

Siya ba yan??

Kaloka si brother hah! Hahahahahahahahaha. Grabeee lang ang tawa ko. Pero syempre, sa loob ko lang yun. Baka makita pa niya ako, ma-badtrip bigla !

Pero talaga, naloka ako. Alam nyo ba kung anong ginagawa niya. Pffffft.. Hahahahahaha !

Nakaharap lang naman sa laptop niya habang todo smile na parang ganito oh

^______________________________________________________^

HAHA. Halata namang kinikilig! Hula ko, magka-skype sila ng girlfriend niya. Aba naman ! si brother, lume-level-up ! Talagang binata na !

Hahahaha. Pakshyeeeet di ako maka-recover!

Pumasok na rin ako sa kwarto ko baka kasi makita pa niya ako. Dun ko nilabas lahat ng tawa ko. haha. Hanggang kinagabihan, natatawa pa rin ako sa mga nakita ko kanina. Lalo na ‘pag nakikita ko ang mukha nya.

I know I’m evil! Bwahahahahahaha! >:D

FOOLS who only look at each other...Where stories live. Discover now