Chapee 28. Maling akala!

31 2 5
                                    

04:21 AM

From: ELI!

Good morning babycake :)

--

04:37 AM

From: ELI!

Slept well? I dreamt of you last night :)

--

04:47 AM

From: ELI!

See you later! >;)

=__________________________________=

Ang aga naman niyang nambubulabog! Tch! Dahil nagising na ako, naghanda narin ako pa-school.

*YAWN!*

“Good morning Kuya. Pahatid na!” katok ko sa kwarto ni Kuya. pinagbuksan naman niya ako at kitang-kita na bagong gising ito kasi papungay-pungay pa kung maglakad. Kinukusot pa nito ang mga mata.

“Morning. Maliligo lang ako. mag-breakfast ka na muna.”

“Okay!” sabay baba ko na papuntang kitchen. Saktong-sakto namang naghahain na si Manang ng agahan.

“Kain na ho kayo Miss Winnifred.” Nakangiting alok sa aking ng katulong namin.

“Sige ho. He-he.” Sabay tawa ng awkward. =___________= Ba’t ba kasi nakasanayan na nila akong tawagin sa fullname ko. Buti nalang di kasama ang second name kasi nakakabaliw na yun.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain ay saka lang bumaba si Kuya at sinabayan ako sa pagkain. Tahimik lang kami. Alam kong iniisip din niya ang iniisip ko. Darating na sina Mama at Papa mamaya. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!

“Kuya…” pagbabasag ko sa katahimikan

“Ano yun?” tanong niya na nakatingin sakin.

“Ahmmm… Wala lang. he-he.” Sagot ko nalang. Ewan ko! Basta ko nalang siyang tinawag pero wala naman akong sasabihin.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa isinagot ko. “Really Fred? What is it?” tanong niya ulit. Hanubeeeeeey! Wala naman talaga akong sasabihin eh =3=

“Wala nga Kuya. Ang tahimik mo kasi” sagot ko

He sighed. “I’m sorry Fred. I’m just thinking of the possibilities. You know, about the marriage thing.”

“Ako din Kuya eh.”

Dun na naputol ang pag-uusap namin. Male-late na kasi kaming pareho pag nagtagal pa kami. Habang nasa kotse kami, hindi ko napigilang isatinig ang matagal ko nang iniisip.

“Kuya?” pauna kong sabi

“Hmmmmm?” sagot niya na diretso parin ang tingin sa daan.

I took a deep breath… “P-posible kayang dumating sina Mama at Papa mamaya at ibabalita nila na… na… na okay na ang negosyo natin at… at… hindi ko na kelangan m-magpakasal pa?” kinakabahan kong sabi. Biglang napabaling si Kuya sa direksyon ko na parang hindi niya inaasahan yung tanong ko.

He also took a deep breath before he answered me. “Are you changing your mind already Fred? I could talk to them if you want to.”

“No Kuya. I’m just… you know, thinking of possibilities.” Sagot ko na nakangiti ng bahagya dahil naalala ko yung sinabi ni Kuya kanina.

“Wow ah! Gaya-gaya ng line!” sabi niya na parang naiinis pero nakikita ko naman ang ngiti sa kanyang mga labi. “We’re here. Take care Fred.”

FOOLS who only look at each other...Where stories live. Discover now