Chapee 34. Selfish?!

74 5 39
                                    

Kinabukasan, nakatengga lang ako sa kwarto ko. Katakot-takot na paalala ang ginagawa nila Mama, Papa at Kuya sa akin na mag-ingat.

“Hoy Fred! Wag kang tatanga-tanga ah! Malilintikan ka talaga sa akin!” paalala ni Kuya. Kita niyo na! Salbahe siya! >3<

“Anak, aalis kami ng Papa mo. Maraming aasikasuhin sa negosyo. Pakabait ka okay? Tawagin mo nalang si Kuya mo pag may kailangan ka” sabi ni Mama.

“Opo Ma. Wag po kayong mag-alala kasi mukhang minu-minuto eh paaalalahanan ako ni Kuya sa katangahan ko”

“Ikaw naman Leigh, wag naman masyadong mahigpit sa kapatid mo. She’s still a baby, our baby” paglalambing ni Mama sa akin. Yun oh! ^_________________^

“Yuck! Baby pa ba yan? Ma, ha! Hindi yun magandang joke!” sagot ni Kuya =___________________=

“Inggit ka lang!” sabi ko sabay binelatan ko siya.

“Oh, nag-aaway na naman kayo. Dapat yatang sabihin ko na kayong dalawa ang baby namin ni Papa nyo. Hehehehe” natutuwang sabi ni Mama. Straight-faced lang namin siyang tinitigan ni Kuya. “Hahahahaha, o sige na at aalis na kami. Baka aburido na yung Papa nyo. Bye kids” paalam ni Mama sabay kiniss kami isa-isa sa noo.

“Bye” sabay naming paalam ni Kuya.

Nang maka-alis na sina Mama at Papa, nagsimula na si Kuya sa kababalaghan niya. Ewan ko, biglang kumuha ng pentel pen at sinulatan ang bandage sa paa ko. =________________= Ano na naman bang trip nito?! Tss.

“Hoy Kuya! Ano ba yan?” hindi ko maiwasang tanong

“Ssssh! Tumahimik ka na nga lang jan. Busy ako!” sabi niya na hindi man lang ako nilingon. Anla!

“Tsss! Ewan ko sa’yo. Pakiabot yung phone ko, dali!” utos ko

FOOLS who only look at each other...Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt