STIL9: Zero Distance

4.7K 102 32
                                    

     “Do you like me?”

     Napalingon si Chronos sa magkabilang banda ng balikat niya upang tignan at kumpirmahin kung siya nga ang kinakausap ng babaeng nasa harapan niya.

     Kunot-noong umikot pa siya sa kinatatayuan at hilong talong na tumigil ulit siya sa harapan ni Vida.

     The only thing on his left were bushes and on his right, towering few meters away from them was the front gate their school.

      “Do you or do you not like me?” without pausing, Vida asked again clearly with a steady voice.

     Napaatras ang leeg at hindi makapaniwala si Chronos ng makumpirmang siya nga ang kinakausap ni Vida na ng mga oras na iyon ay parang batong nakatayo sa harapan niya. Ang tono ng boses nito animo nagtatanong lang kung magkano ang isang kilo ng baboy sa palengke.

     Her face looked expressionless but her eyes gave way of what she was really feeling. Her eyes wandered and wavered while looking at him. As if she was trying to tell him that his answer would mean life and death for her. Na para bang gusto nitong itanggi niya kung ano man ang sagot sa tanong na iyon.

     Her hands fisted on her sides though she seemed too calm for someone asking a sensitive question like that.

     Seconds ticked by with them suspended in a trance while looking at each other, both exchanging looks of disbelief that this was happening. Sa bandang huli si Chronos din lang ang sumuko. Wala na siyang nagawa kundi ang kamutin ang ulo niyang naglalaman ng utak niyang walang kamalay-malay.

     Kasi sa totoo lang hindi siya alam ang sagot sa tanong ni Vida. Ang feeling naman nito, bulong niya sa utak niya ngunit hindi niya masabi iyon sa harapan ni Vida.

      “Siguro?” patanong na sagot niya. His eyes squinted gesturing that he was thinking about it.

     Nanlaki ang mata ni Vida bago bumuka ang bunganga nito na para bang may HORROR itong nasaksihan.

      “AHHHHHH!” patid litid na sigaw ni Vida sa kawalan.

     Her scream enveloping the whole school from top to down under, from inside out!

     Naitapon ni Chronos ang damit na hawak sa sobrang gulat upang patahimikin ang hysterical na si Vida ng mga oras na iyon. His left arm locked automatically on her head and neck while his right hand muffled her, not caring whether her teeth stuck out of her wide opened mouth.

      “SHHHH!”

     She kept screaming under his hands though it was tightly covered. Her wide eyes that were just a few inches away from him looked at him with contempt. Kung nakakamatay lang ang tingin sigurado si Chronos na na-multiple stab wounds na ang muhka niya.

So this is LOVE! (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon