STILL17 : One kiss closer

4.9K 107 76
                                    

Naka-isang daang buntong hininga si Vida habang tinitignan ang isang magazine na para sa mga teenager na gaya niya na nakadisplay noon sa National Book Store. Nagmamadaling tinakasan niya si Chronos kanina dahil nahihiya siya. Sinagot niya ito kanina sa practice game nito at sa sobrang saya dagdag pa ng hiya hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan ngayon gayong emosyonal siya sa pangyayari kahit hindi halata. Wala siyang alam sa pagiging girlfriend kaya kailangang mag-aral muna siya tungkol doon.

 

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang nakatayo sa harap ng magazine na iyon dahil busy pa ang utak niya sap ag-pro-proseso ng pros and cons ng pagbili noon. First time niya bumili ng teen magazine, sumasakit tuloy ang ulo niya.

 

Beside the magazine cover girl was the headliner written in pink and bold letters.

“How to prepare for your First Sweet Kiss”

 

Magandang deal kung bibilhin niya ito dahil may kalakip iyong tips para sa mag-boyfriend gaya ng dates.

 

“Inaano ka ng magazine iha?” anang bodyguard na napadaan.

 

Wala sa sariling kinuha na niya saw akas ang magazine na kanina pa nag-aanyayang mabili. Tinignan ng bodyguard ang kopya ng magazine na kinuha niya sa rack.

 

“May boyfriend po ako.” Walang anuman na agad na depensa niya ng parang nagdududang pinaglipat nito ang tingin kay Vida at sa head liner ng magazine. Nag-congrats pa ito sa kanya kaya nag-thank you siya ng matipid.

 

Hangang sa bahay hindi makapaniwalang tinignan siya ng mama at papa ng ianunsyo niya ang balita.

 

“Pa. Ma. May Boyfriend na ako. Si Chronos.”

 

Gusto niyang mag-explain pero muhkang hindi rin sila maniniwala. Nang matapos ang assignment at pagre-review niya ng mga subjects niya agad na binasa niya ang laman noon at nag-highlight pa siyang mabuti. Mag-a-ala una na ng itinigil niya ang pa-ulit-ulit na pagbabasa at kung hindi pa sumakit ang ulo niya hindi siya titigil. Uminom siya ng pain reliever ngunit muhkang madadaan lang iyon sa tulog.

 

Kahit masakit na ang ulo nakuha pa rin niyang ngumiti habang pikit matang inaalala ang muhka ni Chronos ng sabihin niyang mahal na nga niya ito. Muhkang nabigla ang loko. Pero higit doon sa gulat e yung sandaling rumehistro dito ang lahat. Sobrang saya nito. Ganoon pala kapag nasabi mo na yung salitang iyon, iba ‘yung pakiramdam, hindi ma-explain. Kaya pala madaming nagsasabi ng I Love You.

 

Uncomfortable, Vida mananged to keep her smile at her sleep.

Little did she know that something was about to change that day.

Kinabukasan noon bigong buong maghapon na nag-antay si Chronos na makita sa paaralan si Vida dahil sa unang pagkakataon absent ito.

________________

Isinugod sa emergency room si Vida noong umaga ding iyon ng hindi humupa ang pananakit ng ulo niya buhat ng may maalala siya mula sa nakaraan. Hindi na nakapasok sa trabaho, nag-aalala at nagmamadaling isinugod siya ni Chronos sa hospital kung saan ayon dito madalas siyang tinitignan. Binigyan lang siya ng mga gamot at inexamina kaya ngayon nag-aantay na lang sila.

So this is LOVE! (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon