Chapter 14: Foretold Destiny

1.1K 33 2
                                    

Updated na po. I am just waiting for the wattpad issue to be fixed before updating. Medyo natagalan din akong tapusin 'tong update. This is just a short update guys. Bawi ako sa next update ko. Anyways, votes and comment po tayo.

QUINN FREYA WESTWOOD

MAHIGPIT siyang nakayakap sa akin. All that I remember is he fell asleep while hugging me. Ang ginawa naming picnic mat ay naging higaan. The food we bought to eat are not even touched.  Lumamig na ito at tila ba nagtampo sa amin ng mas pinili naming mag-iyakan kesa ang kainin sila.

Mula ng makatulog siya ay wala na akong ibang ginawa kung 'di ang titigan siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na kahit 'di kasalanan ang magmahal. Na wala s'yang ginawang mali, that loving someone against the odds is not wrong. Demons must be tough and bad, right? Why is he not like that?

Bakit pakiramdam ko napakabuti ng puso niya. Kung masama man siya there's a hidden kindness that love caused him. He's not at his worst because he was able to see how great love is.

Isn't God about Love. Love is God himself, and God is Love too.

'Lord, since he learned how to love. Can you give him the chance to be with love?' I silently pray to God. Alam kong nakikinig siya, I know that he knows whatever's happening in this world. I know that God almighty is aware of his sufferings. And how he prove that Love can bring the good in every person.

I just wish that all his heartaches will pay off.

I stroked his black hair dahilan upang mahina s'yang mapaungol sa pagtulog niya. His lips lifted for a smile na tila ba natutuwa siya sa ginagawa ko. Mahigit alas- dos na ng madaling araw pero 'di man lang ako nagpapakita ng kagustuhang umuwi. Pakiramdam ko kasi ay mas gusto kong kasama siya. Feeling ko matagal kaming 'di nagkita, when he hugged me wala akong maramdaman kung 'di ang sakit. Wishing that the pain in his heart would disappear.

But who am I to do that?

I'm not the girl that he fell in love with. Siguro ang swerte niya kasi nagawa niyang mapa-ibig ng tunay at lubos ang isang demonyong may sungay. I imagined the feeling of having someone take the risk for you over and over again. Kahit alam na niya ang kakahinatnan ay paulit- ulit pa rin niya itong minahal. Even if it means his own life, like what happened to him.

"Freya..." His voice woke me up from my trance. He opened his eyes, mugto pa ang mga ito dahil sa kanyang pag-iyak kanina. I smiled at him, "Kumusta na ang pakiramdam mo?" I asked him. Umupo siya ng maayos at saka nag-unat, tumunog pa ang leeg niya dahil pinatunog niya ito.

"I feel tired." he responded at saka siya tumingin sa kaniyang relos. "It's 2 AM why didn't you wake me up?" he asked me.

"Kasi nagpapahinga ka. I just want to give the rest that you need." I replied. Tumayo na siya at kinuha ang mga tira naming pagkain. Sininop n'ya 'yon kaya naman napatayo na rin ako. Napakatahimik ng gabi at kaming dalawa na lang ang nandito sa lugar na 'to.

 "Pumasok ka na sa sasakyan. I'll take you home," giit n'ya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay pero tinanggal niya 'yon. He looked at me, napakaseryoso ng kaniyang mukha.

"Forget what I told you last night. Kalimutan mong nangyari 'to sa pagitan natin." Giit n'ya sa akin. Napayuko ako ng sabihin niya 'yon, I felt like he made a barrier between us. Nawala ang koneksyon na tila ba nabuo na sa amin kanina. He let out a sigh, "Umuwi na tayo." Giit niya muli.

[Fallen Wings Series #2] Asmodeus: The Pompous Devil [R]Where stories live. Discover now