[4] Wifey

2.5K 78 21
                                    

Candice's POV

Walang gana akong umupo sa armchair ko. Syempre, wala 'yung dalawang bruha. Ginagampanan lang naman nila yung pagiging slave nila sa BTS! Ayan, hindi na sila nakakapasok sa ibang class. Whatever.

Dumating na rin ang Prof namin. At alam niyo ba? Ang boring niya magturo, nakakaantok lang. Humikab naman ako at nagnap.

"Ms. Candice! Kung matutulog ka lang sa class ko then get out!" sigaw ng Prof. Agad naman akong napaupo.

Nakatingin lahat ng classmate ko saakin. Wow! Thank you, Prof. I'd love to. Nagbow ako ng kaunti sa mga classmates ko giving them a sign that i'm sorry. Nilagay ko ang mga libro ko sa bag ko. "At talagang aalis ka!" sarcastic na sabi niya.

Puta. Eh ang gulo niya pala eh! Hindi nga ako nakikinig diba kaya aalis na? T*ngina. "Opo. Aalis ako, ang boring eh." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiresto palabas.

Nabato ko ang bag ko nang nakita ko si Ilong na nakasandal sa pader, "Aray! Yung ilong ko!" sigaw niya. Hays, buti nga.

Hinipan ko naman ang maganda kong bangs. "Sino ba kasing nagsabi sayo na tumambay ka diyan! Che!" wika ko at nagwalkout.

Pero, sinabayan niya ako sa paglalakad. Uulitin ba namin yung scene? Nung binigay niya saakin yung phone niya. Well, ayoko ulitin. Bahala siya diyan. Binilisan ko ang pagtakbo ko para hindi niya ako maabutan pero hinawakan niya ang wrist ko.

"Bitawan mo nga ako. Ayoko nga diba?" sabi ko.

"Tanga. May tagos ka, uso magnapkin 'no?"

Ngina! Ang sama ng ugali nito. Kala mo naman babae siya para pagsabihan ako ng ganon. Tinakpan ko ang palda ko gamit ang kamay ko. He sighed. "Talikod." cold niyang sabi.

Aba! Makautos 'to. Dahan dahan naman akong tumalikod. "JUNGKOOK!"

Niyakap niya ko mula sa likod. Hinapit niya ang jacket niya sa bewang ko at tinali ito ng mahigpit. Nararamdaman ko ang malamig niyang hininga sa bandang tenga ko causing me to shiver.

Bakit ganto yung epekto niya sakin? Why? Agad naman akong umiwas. "T-Thank you." wika ko at napayuko.

"Wow. Marunong ka palang magthank you."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Nagiging mabait na nga ako, ganyan parin siya. Tumawa lang siya at naglakad palayo.

Gwapo pala siya.

********

"Yun lang? Yuck, di kayo bagay." wika ni Bea habang kumakain ng ice cream niya.

Wala naman akong sinasabing bagay kami ni Jungkook. Pauso nanaman 'to eh. "Gaga ka ba? Ikaw nga yung asar ng asar kay Candice kay Kookie eh. Plastik karin 'no?" hirit naman ni Hanna.

Hindi ko nalang sinabayan ang kaabnormalan nilang dalawa dahil baka magka World War III lang. Naglalakad lang kami pauwi. At dahil VIP si Hanna, hahatid muna namin siya ni Bea sa bahay nila.

"Paano yung fake news?" tanong ni Bea. Hindi nalang ako kumibo. Dahil hindi ako nakapasok ngayon, hindi ko alam ang magiging buhay ko sa loob ng Campus.

Subukan niya lang lumapit saakin sa Campus, i'll kick his crotch. "Hoy VIP, andyan na bahay niyo. Magingat ka." biro ko.

Pinakyuhan niya lang ako at pumasok sa loob ng bahay nila. So, eto na nga, pauwi na ako sa bahay namin. Naghiwalay kaming dalawa ni Bea para makuwi na. Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng skateboard.

Kaya napahinto ako sa paglalakad. Dahan dahan akong lumingon. "Jungkook?"

Tumigil siya sa harapan ko at nagbow na para bang Reyna niya ako. Ano bang ginagawa niya? Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng tenga ko.

"Ano ba. Umuwi ka na nga, Kookie." sabi ko. Pagkabalik ng kamay niya, meron na itong hawak hawak na roses. Binigay niya ito at sino ba naman ako para hindi 'yon tanggapin.

"Gabi na, hahatid na kita sainyo." wika niya. Agad naman akong umiling kaya kumunot ang noo niya.

Huminga ako ng malalim, "Strict ang parents ko at kapag nalaman nila yung news at kasabay kita pauwi. Mapapagalitan ako."

"Don't worry."

***********

Nilapag ko sa sofa ang bag ni Jungkook. Nasa harapan namin si Mama at Papa na sobrang sama ng tingin saaming dalawa.

"Ma, Pa, si Jungkook po." sambit ko. Ngumiti naman si Jungkook.

Pilit na ngumiti si Mama para lang mabawasan ang awkwardness. Nakakailang naman ang tingin ni Papa. Para bang papatayin niya si Jungkook. I gulped.

"Hello po. Manliligaw nga po pala ako ng Anak niyo." ani Jungkook.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Manliligaw!? Napatingin ako ng masama kay Kookie na ngiting ngiti naman sa ginagawa niya.

Napaubo si Papa, "Iho, pasensya ka na. Pero hindi pa kami tumatanggap ng Manliligaw."

Medyo disappointed naman akong tumingin kay Kookie na nakayuko lang.

"Maghihintay po ako."

***********

"Yiee! Ginawa niya talaga 'yon? Omg, Candice." wika ni Hanna habang kinikilig. Hindi namin kasama si Bea ngayon dahil nasa Guidance.

Paano ba naman kasi? Nakipagaway sa isang babae. Alam niyo kung bakit? Hindi ko rin alam eh mamaya nalang.

Sinara ko naman ang locker ko. "Oo nga. Wag ka ngang makulit, Hanna. Hindi naman pumayag sila Papa eh. The truth is, galit si Papa."

Nakapout naman siya habang papunta kami sa classroom. Naiintindihan ko naman kung bakit masama ang loob ni Papa dahil sinabi ko rin sakanya na iiwasan ko muna 'yang love life na yan. Feeling ko kasi hindi pa ako ready at dapat magfocus muna ako sa pagaaral ko.

Mahirap lang kami at kailangan kong tumulong sa mga magulang ko. "Galit? Huhu. Sayang! Bagay na bagay kayo ni Jungkook." hirit ni Hanna.

"Oo! Omg, si Candice."

"Ang swerte niya kay Kookie."

"Ingatan mo ang babes ko. Huhu!"

"Mas maganda parin ako sakanya, okay?"

Hindi ko nalang pinansin ang mga babaeng nagbubulungan habang naglalakad kami sa hallway. Sa hindi kalayuan, may narinig kaming tili ng mga babae. Shoot. Nandito na ang BTS.

"Hanna, puntahan mo na si Jimin. Nagmamadali ako." panic kong sabi.

"Huh? Bakit? Saan ka pupunta?"

"Basta! Bye!" sigaw ko. Bago pa man ako makaalis, napahinto na ako ng may tumawag sa pangalan ko.

Fck. Dahan dahan akong lumingon at ngumiti ng pilit. Sila Jungkook, nandito na. Lumapit saakin si Jungkook at inakbayan ako.

"Good Morning, Wifey."

What?

*********

Hay nakapagud naren.

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderWhere stories live. Discover now