[ 31 ] Flowers

842 33 16
                                    




Jungkook's POV

Napatingin silang lahat sa akin. Lalo na si Candice, gulat na gulat siya nang nakita niya ako. Tumayo naman si Taehyung. Hinawakan niya ang kamay ni Candice, "Ako na. Kaya ko naman." sabi niya.

Tumayo naman si Candice at nagtago sa likod ni Taehyung. Pinapanood lang kami ng mga tao sa paligid namin. Umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita ko kung paano niya hawakan si Candice.

Fuck. I wanna fucking cut his hand. "Ako ang maghahatid." pilit ko at inagaw sa kanya si Candice.

Nanlaki ang mga mata ni Candice at namumula siya. Ngumisi lang si Taehyung, "Fine. Pero sana this time, maingatan mo na siya." wika ni Taehyung at umupo.

Mas lalo akong nainis sa mga sinasabi niya. Magsasalita na sana ako pero biglang naglakad palayo si Candice. Agad ko naman siyang sinundan palabas ng Mansion namin.

"Ihahatid na kita!" sabi ko.

"Kaya ko sarili ko."

Nasaktan ako. Yung tono niya, ang lamig. Yung parang wala lang. Yung parang hindi ako yung Jungkook na minahal niya. Yung parang pagmamay ari na siya ng iba. "Late na. Hayaan mo na akong ihatid ka, please." wika ko.

"Okay." tugon ni Candice, ngunit hindi siya tumitingin sa akin.

Binuksan ko ang pinto ng kotse para sa kanya. Umupo na siya sa loob.

Candice's POV

Pumasok si Jungkook sa loob ng kotse. "Gusto mo ba muna dumaan sa Coffee Shop?" tanong niya.

Diresto lang ang tingin ko sa kalsada. "Gusto ko nang umuwi." malamig kong sagot.

Pinaandar niya ang kotse. Wala ni isa sa amin ang may balak magsalita. At bakit naman ako magsasalita? Magsasayang lang ako ng laway sa kanya.

Tahimik lang ang byahe namin. Nakarinig kami ng tunog na mula sa kotse ni Jungkook. "Sh*t!" rinig kong sabi niya at itinigil ang kotse.

Lumabas siya at tinignan kung ano ang nangyari sa sinasakyan naming kotse. Kumatok siya sa bintana ng kotse, kung saan ako nakaupo.

"Candice, nasiraan tayo."

Napabuntong-hininga na lang ako. Lumabas ako ng kotse at pinagmasdan kung ano ang nangyari. Naflat nga.

"Magtatricycle na lang ako." wika ko.

"Sasamahan na kita."

"Hindi ko kailangan ng kasama. Bumalik ka na sa Mansion."

"Galit ka ba sakin?"

"Bakit? Dapat ba kong matuwa sa 'yo?"

Natigilan si Jungkook. Nakatitig lang kami sa isa't isa. "Candice, i still love you. That will never change, My Love." wika niya.

"Hindi na ulit ako magpapaloko sa 'yo. Tama sila, bad boy ka nga!" sigaw ko at tinulak siya.

Mahina lang ako kaya napaurong lang siya ng kaunti. Namuo ang luha sa mata ni Jungkook.

"Hindi ko sinasadya yung nangyari." sabi niya.

"Hindi ko tinatanong. Wala akong pakialam." sabi ko at tinalikuran siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

Hinigit niya ako at niyakap niya ako, "Sorry, Mahal. Nasira ko lahat." wika niya.

Unti unting pumatak ang luha sa mga mata ko. Gusto ko maging malakas, ayoko na ulit masaktan nang dahil sa kanya. Ayoko ulit mahulog dahil baka isa na naman itong patibong na papatayin na naman ako sa sakit.

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderWhere stories live. Discover now