[22] Tanga

1.7K 59 22
                                    



"Lagot ka, mamshie!" sigaw ni Hanna habang lumalamon ng fries.

Hindi naman sila nakakatulong. I'm trying my best na wag nalang isipin yung tingin saakin ni Jungkook kagahapon pero hanggang ngayon, yun parin ang topic namin. Now tell me, paano ko yun makakalimutan?


By the way, hindi na nga slave ni Namjoon si Bea dahil on na sila.

A new slave named Darcy will be the new one.

"Bahala siya. Wala naman akong ginagawang mali." wika ko.


Tinuturuan ko lang naman si Taehyung non. Walang meaning 'yon. Taehyung wants help and i am ready to help him every time.

Feeling ko nga, parang ayaw narin naman akong maging slave ni Jungkook.

It's okay. Ilang months nalang, matatapos na rin naman yung deal namin. Matatapos na yung sakit ng ulo ko dahil sa bad boy na 'yon.

"Nagseselos nga kasi! Napakaano mo. Manhid ka talaga." sigaw ni Hanna.


Hindi ako kumibo pero bumilis naman bigla ang tibok ng puso ko. "Matatapos na nga yung deal niyo, umamin ka na kasi sakanya na gusto mo rin siya." dagdag ni Hanna.

Nanlaki ang mga mata ko. "Paano mo nalaman!?" sigaw ko pabalik kaya pinagtinginan kami ng mga ibang estudyante sa paligid namin.

"Candice, obvious kasi."

Hindi ako kumibo. Siguro naman, hindi 'yun nahahalata ni Jungkook. Ewan ko ba! Naging complicated lahat simula nung Vacation namin. Sobrang andaming nangyari saka ang gulo gulo na. Nakakawalang gana.

Nakita namin ni Hanna si Bea at Namjoon sa isang bench. Kumakain silang dalawa ng churros.


"Kanina ka pa namin hinahanap, Bea." sabi ko.

Nagpeace-sign lang siya, "Mauna na kayo! Kumakain pa kami dito!" sagot niya naman.

Sus. Hindi niya lang maiwanan ang bebe niya.

Nagpatuloy na kami ni Hanna. We don't wanna be late. Pagkapasok namin sa classroom, nagdidiwang ang mga classmates namin.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan ko. Hindi ko pinapansin si Jungkook kahit alam kong nakatingin siya saakin. Hindi ko alam kung ano ang problema niya at wala akong panahon para malaman pa 'yun.

Nakapaka-bipolar niya. Nakakapagod na isipin kung ano bang problema niya.


"Hoy! Anong meron mga bruha!?" sigaw ni Hanna sakanilang lahat.

"Wala si Prof! Free time tayong lahat!" sigawan ng lahat.


Pumasok pa kami? "Preparation kasi. Malapit na ang School Festival." wika nila.

Oo nga pala. Hindi ko alam kung anong booth ang gagawin namin diyan. Bahala na nga. Walang kwenta naman 'yung President namin eh. Bigla akong nakatanggap ng text mula kay Papa.


Anak, uwi ka na. Andito ang Mama mo.



Hindi ako nakapagsalita. Napatulala nalang ako sa Text saakin ni Papa. No. Ayokong umuwi. Hindi ako uuwi.

Pinili niya yung pamilya niya sa iba. Dun nalang siya, kaya naman namin ni Papa kahit wala siya.

"Lalim ng iniisip mo." komento ni Hanna.

Umiling lang ako. "Wala 'to." sagot ko ay nakinig nalang sa music.


*******

Uwian na namin. Tumambay pa sila Bea sa tambayan but ayoko eh. Ayokong makita si Jungkook.

Habang naglalakad ako paalis ng Campus, bigla akong hinawakan ni Jungkook.

"Ano?" tanong ko.

Nakatitig lang siya saakin at hindi siya kumikibo. Agad naman akong nairita. Nakakainis!

"Ano ba!" sigaw ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa wrist ko.

Hindi ko na talaga siya maintindihan. Pati yung nararamdaman ko, hindi ko na rin maintindihan. Ang gulo na. Hindi ko na alam ang gagawin ko.


He hugged me, so tight.


"I miss you, Babe." sabi niya.

Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao, mas hinigpitan pa lalo ni Jungkook ang yakap niya saakin.

I hugged him back. "I-I miss you too." bulong ko sakanya.


Medyo gumaan ang kalooban ko sa bisig ni Jungkook. I feel okay, now. I feel really good.

"I'm sorry." wika ko.

Bumitiw na kaming dalawa sa yakap. I looked at him. Mukhang pagod na pagod si Jungkook. Para bang wala siyang tulog.

"It's ok, Candice. Kain tayo sa labas?" tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti.


********

Kumakain kaming dalawa ni Jungkook ngayon sa Mcdo. Kanina niya pa ako pinagmamasdan at naiilang narin ako.

"Kumain ka kaya. Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." sabi ko.

He smiled, "Totoo bang mahal mo ako, Candice?"


Muntik na akong mabulunan sa narinig ko. "Ha? Saan naman nang-gagaling 'yang mga hirit mo, Jeon?" pabiro kong sabi at inabot ang tissue.

Pilit na ngumiti si Jungkook, "De joke lang." sagot niya at kumain.



*************

"Isa kang malaking tanga, Candice!" sigaw ni Bea.


"Pano mo nasabi?" sabat ni Hanna kaya tinarayan lang siya ni Bea.


Ginulo ko ang buhok ko. Alam ko naman ang isasagot ko pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Paano kung hindi niya pala ako gusto pabalik?


"OO! ISANG OO LANG ANG ISASAGOT MO, TANGA." sigaw ni Bea.

"Pano mo nas—" bago pa man makasabat si Hanna, binato ko na siya ng unan.


Sinimangutan niya lang ako, "Hindi ako gusto ni Jungkook." sagot ko nalang at binuksan ang TV.

"Tanga na nga, manhid pa." sabi ni Bea.


Napatingin ako sa calendar. Matatapos na pala yung pagiging slave ko. Naagaw ko ang atensyon ni Hanna at Bea.

"Ano? Diba malapit na matapos? Bakit ang lungkot mo? Diba yan naman talaga yung gusto mong mangyari?" sabi ni Hanna.

Umiwas ako ng tingin, "Oo naman! Finally! Wala na akong poproblemahin sa Campus na Jeon Jungkook." sagot ko.

"Talaga lang ha." pagtawa ni Hanna.




**************


Inayos ko lahat ng books ko sa locker. Napatalon ako nang may yumakap sakin mula sa likod. That smell. Fuck you, Jeon Jungkook. Mas lalo lang akong nahuhulog sayo.


"Ah, tapos na ako maglocker. Bitaw ka muna." awkward kong sabi.


Before he end his hug, he kissed me on my ear.



Namumula ang pisngi ko nang nilolock ko ang locker ko. "Saan ka pupunta?" tanong ni Jungkook at hinablot ang bag ko.

"Kaya ko na 'yan." sabi ko.

Hindi niya binigay saakin ang bag ko kaya wala akong nagawa.


"Wala. Sa Rooftop lang sana." sagot ko at ngumiti.

Hinawakan niya ang kamay ko, "Tara."


*************


Binuksan namin ang pinto sa rooftop. Sinalubong kami ng sariwang hangin. Napapikit agad ako.

Pumunta ako sa cliff. Lumingon ako kay Jungkook.



"Mahal kita, Kookie."

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderWhere stories live. Discover now