CHAPTER ONE

645 12 7
                                    

BRIANA AND THE BOYS

WRITTEN BY: LUCKYSEVENGIRL ©

 

“shh-shh” sabi ni Miss Bello, ang school librarian namin, sabay nilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang pulag pulang  bibig. “MISS CAMPBELL, second warning mo na ito, at kung aabot pa ng tatlo, papalayasin na kita dito sa library, alam mo naman siguro ang policy dito” sinabi niya ng pabulong pero na threatened ako sa ginawa niyang yun. Dahil yung itim na itim niyang mata ay kulang nalang lumuwa sa pagsita saakin. Alam ko naman ang policy dito sa library pero bumulong lang naman ako kay Triny sa gagawing Christmas party. “isa pang malakas na pagsasalita niyo dalawa na kayong aalis ni Miss Wells sa library, intendyes?”

Di ko inakalang pati pagbulong ay bawal na sa libraring ito, grabe, dalawang taon nalang at aalis na ako dito. At talagang nasali pa si Triny.

“sorry po Miss Bello” sinabi ko sa malambing kong boses. “hindi nap o mauulit” In up and down niya ako at umalis din para gawin yung iba niyang trabaho.

Napahinga ako ng malalim at bumaling nalang sa notebook kong wala masyadong laman kahit nasa kalahati na kami ng school year. Pero bigla kong naisip na halos matambol tambol ko na ang table namin dahil sa lapis ko. Lapis kong kakatasa lang kagabi pero ngayon ubus na ata ung natasahan dahil putol putol na.

Alliyah Lee, isang bestfriend kong kasama ko din dito sa library ay pinangdilatan ako at pabulong niyang sinabi ang  “ano kaba Briana! Baliw ka na talaga” 

            “Alam ko” bulong ko at lumingon ako sa table ni Miss Bello dahil baka masita nanaman kami. Wednesday ngayon, at kailangan ko na talagang tapusin itong homework ko. Di lang kasi talaga ako makapagconcentrate sa bahay kagabi dahil sa mga kapatid kong magugulo, wala kasi kaming sari sariling kwarto mga aparador lang ang nagsisilbing dibisyon ng kwarto namin.

            

MISS DAYDREAMER [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt