Chapter 1 ~edited

69 1 0
                                    

CHAPTER ONE

 

“Shh-shh” sabi ni Miss Bello, ang school librarian namin, sabay nilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang pulag pulang  bibig.

“Miss Campbell, second warning mo na ito, at kung aabot pa ng tatlo, papalayasin na kita dito sa library, alam mo naman siguro ang policy dito” sinabi niya ng pabulong pero na threatened ako sa ginawa niyang yun. Dahil yung itim na itim niyang mata ay kulang nalang lumuwa sa pagsita saakin.

Alam ko naman ang policy dito sa library pero bumulong lang naman ako kay Triny sa gagawing Christmas party.

 

“Isa pang malakas na pagsasalita niyo dalawa na kayong aalis ni Miss Wells sa library, intendyes?” Di ko inakalang pati pagbulong ay bawal na sa libraring ito, grabe, dalawang taon nalang at aalis na ako dito. At talagang nasali pa si Triny.

“Sorry po Miss Bello” sinabi ko sa malambing kong boses. “Hindi na po mauulit” Nag-pa cute ako sakanya pero in up and down niya ako at umalis din kaagad para gawin yung iba niyang trabaho.

Napahinga ako ng malalim at bumaling nalang sa notebook kong wala masyadong laman kahit nasa kalahati na kami ng school year.

Pero bigla kong naisip na halos matambol tambol ko na ang table namin dahil sa lapis ko. Lapis kong kakatasa lang kagabi pero ngayon ubus na ata ung natasahan dahil putol putol na.

 “Ano kaba Briana! Baliw ka na talaga! Kakasita lang sayo kanina!” Alliyah Lee, isang bestfriend kong kasama ko dito sa library. Padabog niyang sinabi habang pinangdilatan ako sa naiinis niyang boses.

     “Alam ko” bulong ko at lumingon ako sa table ni Miss Bello dahil baka masita nanaman kami. Wednesday ngayon, at kailangan ko na talagang tapusin itong homework ko. Di lang kasi talaga ako makapagconcentrate sa bahay kagabi dahil sa mga kapatid kong magugulo, wala kasi kaming sari sariling kwarto mga aparador lang ang nagsisilbing dibisyon ng kwarto namin.

 

     Kahit December ngayon ay tirik na tirik ang araw. Kaya naman itong library ay nakaopen lahat ang bintana, at itong pawis ko nagbabanta ng pumatak dahil sa mainit ang paligid. Global Warming nanaman siguro dahil December na, mainit padin.

     Kami ng mga kaibigan ko ay nakatira sa iisang subdivision, kung saan lagi kaming nagbobonding simula pagkabata. At feeling ko disyerto ang paligid namin dahil sa mainit na nga malala pa ang polusyon, pero nasanay na din ako, tropical country ito eh. Iniisip ko tuloy paano kung may winter dito, ang saya siguro.

     Pero sa mga kahibangan ko, hindi na ako nakaka focus sa homework ko! Na stuck lang ang isip ko sa mga bagay bagay na ewan. Di ko inakalang itong araw na ito ang isa sa pinakamagandang araw dahil pinagalitan ako ni Miss Bello haha.

     Ngayon, naisip ko tuloy yung sinabi ni Andyson Stevens na sabay sabay kaming gagawa ng homework after school sa library. Pero “No way!” sabi ni Alliyah. Si Andyson lang nga pala ang minsan nakatira sa father niya dahil hiwalay ang parents niya, kaya minsan di siya nakakasama sa mga gimmicks namin. At etong si Ally kaya di yan pumapayag sa mga gimmicks naming minsan  dahil may nanliligaw na sa kanyang grade 12.

MISS DAYDREAMER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon