CHAPTER 3.2

117 9 2
                                    

BRIANA AND THE BOYS

WRITTEN BY: LUCKYSEVENGIRL ©

            6am ay nagising na ako, para makuha na yung damit ko na isusuot ko sa party, isang gown na kulay light pink, ako mismo ang nagdesign, sabi kasi ni mama, I’ll draw and siya na bahala sa lahat, dahil ako lang naman ang  nagiisang babaeng anak niya, so nag drawing ako, hindi naman sa pangit ako mag drawing, yung sakto lang.

            Parang Cinderella style at madaming sequins. Kaso light bue kay Cinderella ako naman light pink. Dinaanan ko lang sa tailor shop, pero sabi nila balik daw ako ng isa pang lingo dahil mahirap daw yung sequins. Ang arte ko kasi, tinignan ko yung gown at ayun, maganda at perfect fit for me, pero dipa tapos ilagay mga sequins.

            Pagkatapos ko dumaan ay pumasok na ako sa school, isang tshirt na mustache print, scarf na black, leggings at boots lang ang suot ko, syempre dala ko din yung isang sling bag kong kulay black, at naka aviators ako ng black, yun lang kasi ang may gradong glasses ko, di ko pinapaalam na nagkaroon na ako ng glasses noong elementary kasi lagi akong inaasar ng  nerd. Sanay na akong walang eyeglass, pero ngayon bumalik nanaman ang pagkalabo ng mata ko.

            “grabe! Hanep ganda ng porma natin ngayion ah? Anong meron?” nakasalubong ko si John, classmate ko since elementary super feeling pa close, alam kong hot siya dahil may 6 packs abs siya, pero di ko siya type, dahil isa siya sa mga mapang asar kong classmate noon. Chubby kasi ako at hindi lang nerd ang tawag kundi ‘matabang nerd” waaa. Ayaw ko ng ibalik ang mga ya, nakakahiya.

            “bakit? Bawal ba magsuot ng ganito?” sabi ko habang patuloy akong naglalakad sa hallway papuntang classroom namin.

            “hindi naman, bagay mo nga at ang ganda mo ngayon” subukan niyang laitin ulit ako, at ipagsasabi ko na di siya makapagpigil sa kakaiyak noong tinutuli siya hahaha, ay nasabi ko tuloy XD

            “wag kang bolero, ito oh piso, hanap ka ng kausap mo” talagang naglabas ako ng piso, haha, barya ko sa pamasahe ko kanina. Wala kasi kaming kotse, naimbyerna, dahil bumaon sa utang sila mama nalugi ang companya kaya ayun kuha ang sasakyan. Pero okay lang para naman masanay ako sa pag comute.

MISS DAYDREAMER [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon