Chapter 12

80K 1.9K 107
                                    

HAPON na nang dumating si Marco. At pasado alas-kuwatro na ng hapon nang pasukin siya nito sa silid upang yakaging mangabayo.

Ilang sandali pa'y nilalandas na nila ang daan patungo sa magubat na bahagi ng lupain.

"May pangalan ba ang kabayo mo?"

"Firewind. At 'yang sinasakyan mo ay Snowhite at obvious kung bakit," natatawa nitong sagot. "Hindi ka na masama para sa baguhang mangangabayo."

Kung papuri iyon ay hindi niya matiyak. "Saan tayo pupunta?"

"May batis sa gitna ng gubat na ito na ang tubig ay nanggagaling sa isang maliit na bukal. Para sa isang lumaki sa Maynila ay magugustuhan mo ang lugar."

Nilingon ni Emerald ang pinanggalingan nila. Hindi na niya matanaw ang bahay bagaman elevated ito.

Kung gusto niyang tumakas mula kay Marco at mula sa lupaing ito ay ngayon niya dapat gagawin. Hindi niya maalis sa isip ang engkuwentro nila ni Alfon. At totoong natatakot siya. Hindi siya bumaba ng tanghalian upang huwag makaharap ito. Ginawa niyang dahilan na dalawang beses siyang nag-almusal at busog pa gayong kape lamang ang ininom niya nang saluhan si Bernard.

Kinakabahan siya sa iniisip gawin pero nagpa-panic siya kapag naiisip si Alfon, Buong buhay niya'y wala pa siyang nakatagpong ganoong tao na ang poot at pagkamuhi sa kanya'y halos bumaon sa mga buto.

Tulad ng nakikita niya sa mga cowboy movie ay malakas niyang hinapit ang kabayo. At tulad ng dapat asahan ay tumakbo si Snowhite. Nagulat si Marco. Hindi inaasahang gagawin niya iyon.

"Emerald!"

At tulad din ng dapat asahan dahil hindi naman siya marunong mangabayo ay hindi niya magawang ibalanse ang sarili. Isang pag-ikot ng kabayo ang nagpahulog sa kanya sa damuhan.

Mabilis na bumaba ng kabayo si Marco at tinakbo siya.

"You fool! Bakit mo ginawa 'yon?" Paluhod na bumagsak ito sa tabi niya. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha. "Nasaktan ka ba?" Hinawakan siya nito sa mga bahaging maaari siyang nabalian.

Galit at pagkapahiya ang nadama niya. Marahas niyang tinabig ang mga kamay nito.

"Bitiwan mo ako!"

"That was foolish, Emerald," pagalit nitong sinabi. "Kahit pa sabihing mahusay kang mangabayo ay hindi ka makakalayo sa akin. My horse is a thorough-bred stallion. My most prized possession so far. Kahit si Leon ay wala nito."

Akma siyang tatayo subalit marahas siyang nahawakan ni Marco sa kamay at muling ibinalik sa damuhan, pinning her arms over her head.

"Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas niya. "Wala kang karapatang pigilin ako rito nang labag sa loob ko!"

"Hindi ka makatatakas sa akin, Emerald, kung iyon ang iniisip mo"

"Ano ka ba! Nasasaktan ako—" Kung ano pa man ang gusto niyang sabihin ay tinakpan na ng mga labi ni Marco.

Lalo siyang nagpumiglas at pilit ibinabaling paiwas ang ulo.

Nang iwan ng binata ang mga labi niya'y naghabol siya ng paghinga.

"Stop fighting, Emerald..." masuyong wika nito. "Sa ginawa mo ay inubos mong lahat ang pagpipigil ko sa sarili. Make love to me, right here, right now," his voice husky.

"Hindi ako m-makapaniwalang... sinasabi mo sa akin iyan.. " Tumaas-bumaba ang dibdib niya.

Ibinuka niya ang bibig upang muling mag- protesta pero muli ay naroon ang mga labi ni Marco.

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Where stories live. Discover now