Chapter 13

78.2K 1.8K 73
                                    

HANGGANG sa humapon at maghapunan ay hindi pa dumarating si Marco. Nag-aalala na ang dalaga pero hindi niya maisatinig kay Julia o kay Bernard. Sasabihin ba niya sa mga ito na nag-aalala siyang baka hindi inihatid ni Marco ang kapatid?

O iyon nga ba talaga ang ipinag-aalala niya? Kung hindi naihatid ni Marco si Jewel pabalik sa hacienda, tiyak may gulo nang nangyari kanina pa.

Nakatulugan na niya ang ganoong alalahanin.

Napabalikwas ng bangon si Emerald nang maramdamang may naupo sa gilid ng kama.

"Sshh..."

"Marco?" Mula sa sinag ng buwan ay naaninag niya ang mukha nito. Bumilis ang pintig ng puso niya. "Paano kang nakapasok?"

"Bahay ko ito, remember? May sarili akong susi." Nag-aalis ito ng polo habang nagsasalita. Ano ang ginagawa nito?

"S-si... Jewel?"

"Kanina ko pa inihatid, hindi ba?" Inalis nito ang buckle ng sinturon.

"A-ano ang ginagawa mo?"

Marahang natawa ang binata. Tinamaan ng sinag ng buwan ang matitipunong dibdib nito. Ang maninipis nitong balahibo sa dibdib ay kumislap na tila ginto dahil siguro sa pawis. Nahawakan niya kaninang basa ang polo nito.

"Do you really want me to stress the obvious?"

Hindi niya sinagot iyon. "Anong oras na?"

Nagkibit ito ng mga balikat. Inihagis ang maong sa sofa. "Alas-diyes na siguro." Pagkatapos ay marahang hinubad ang briefs.

Napalunok si Emerald. The mere fact na nag- alis ito ng mga kasuotan sa harap niya in a slow and seductive manner ay sapat na para manuyo ang lalamunan niya.

Pinigil niya ang paghinga nang muli itong naupo sa tabi niya. Walang seremonyas na inalis mula sa mga balikat niya ang spaghetti strap ng kanyang pantulog.

"S-saan ka galing? Bakit ka ginabi ng ganito?" Sinisikap niyang kontrolin ang pag-aalab ng damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita.

"Nakakahimig ba ako ng pagseselos?" He inched closer habang nagsasalita habang ang mga kamay ay patuloy na inaalis sa katawan niya ang pantulog.

Nasasamyo niya mula sa katawan nito ang pinaghalong natural na amoy-lalaki nito, ng pawis na kumikislap mula sa liwanag ng buwan, at ng cologne na inilagay mula pa kaninang umaga.

Hindi niya akalain na nakakasira ng isip ang kombinasyong iyon. Inabot ni Marco ang batok niya at hinila papalapit.

"l-is this... some kind of payment for sending my sister back?"

"Damn you, Emerald!" bulong nito at marahas siyang siniil ng halik.

Yes, damn her! Damn her for falling in love with this devil! Damn for her for sighing softly habang gumagawa ng masarap na landas ang mga labi at kamay ni Marco sa katawan niya. And damn her as she responded wildly while he made slow and agonizing love to her.

May palagay siyang naririnig na ang tilaok ng manok nang lumabas si Marco sa silid niya at pahintulutan siyang matulog.

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Where stories live. Discover now