CHAPTER 2.10

4.7K 105 2
                                    

Sumapit ang pasko't bagong taon ng magkasama nga sila sa iisang bubong pero para silang mga invisible sa isa't isa na animo'y hindi nagkikita at naguusap..

Huminto sa pagtatrabaho si Rio para makasiguro na iyon ang una at huling araw na makakatuntong sa pamamahay nila si Kyla...

Samantala si Grieg, maka dalawang beses na itong nag out of town simula noong huling araw na nag away sila at as usual si Kyla ang kasama nito. 

Alam nya iyon, pero ayaw na nyang paki alaman pa si Grieg dahil ayaw na rin nya itong kausapin pa. Nanatili lamang sya doon para sa mga anak nya at para masiguro na kahit nag loloko ang asawa ay sa kanila parin ito uuwi. 

Ngayong araw ay linggo. Walang pasok ang asawa nya. Nasa kusina sya at mga kasambahay na tinutulungan syang magluto ng kanilang pananghalian...

"Madam, anong hiwa po ang gagawin ko sa patatas?" Tanong ng isa sa mga ito.

"Cubes lang." Aniya dito.

Habang abala sa mga lulutuin nya. Si Grieg ay kanina pa nakatayo gilid at nakatitig sa bawat galaw nya. 

Nang mapansin ito ng kasambahay nila. Akmang magsasalita ito ng pandilatan nya ng mata at dinala ang hintuturo sa gitna ng labi nito na sinasabi nito wag maingay..

He can't remembered when did his wife did those things to them.. Basta masaya sya na kahit hindi sya nito kinakausap ay nakikita nya ang bawat galaw nito at ang pagaasikaso nito sa kaniya? Sa kaniya nga ba o para sa mga anak nya ang pagaalagang iyon?..

Naghihiwa ng carrots si Rio ng agawin ni Grieg ang atensyon nya....

"Ehhem.." Pekeng ubo nito.

Napaangat ng tingin si Rio at laling gulat nya na prente itong nakasandal sa makapal na salamin sa kusina na nagsisilbing pader nito..

"Outch!..." Aniya ng aksidenteng madaplisan ng kutsilyo ang hintuturo nya...

Napaayos ng tayo si Grieg tsaka nagaalalang nilapitan ito at hinawakan ang kamay ni Rio na nasugatan..

Nawala ang kirot na nararamdaman ni Rio ng hapitin ng asawa ang kanyang baywang at gayakin papuntang sink at hinugasan ang kamay nya.

"Manang get the first aid kit." Utos nito..

"Opo.."

Samantala si Rio nakatitig sa mukha ng asawa nya na hinuhugasan ang kamay nya.. Ngayon nya lang ulit naramdaman ang bagay na ito. Ang pagtibok ng puso nya sa asawa na walang higit mang makakapantay. Her heart beats fast, tila hindi sya makahinga sa pakiramdam na iyon, ang mga paru-parong matagal na natutulog sa tyan nya ay tila nag-riot..

When did the last time i felt like this? Why is he doing this? Nagsawa na ba sya kay Kyla? Kaya eto ako naman ulit... No!..

Agad na inagaw nya ang kamay nya dito at mabilis na binaklas at umalis sa bisig nito..

"Do..don't touch me!".. Aniya dito...

"Maliit na sugat lang ito, i can manage." Dugtong nya dito..

"Rio, please dumudugo pa ang sugat mo. Hayaan mo na akong linisin ang sugat.. Promise, yun lang at aalis na ako dito sa kusina.."

Nakatitig si Rio sa mga mata nito at tila binabasa ang nasa isip nito.. 

Marahas na bumuga sya ng hangin tsaka naupo at pinatong ang kamay na nasugatan sa mesa..

"Make your promise real this time.." Aniya dito...

Being his Wife, Being her Husband (Sbtt Book 2)COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن