CHAPTER 2.16

4.2K 106 4
                                    

Sa paghahanap nya kung nasaan si Grieg ay natagpuan nya na lamang ang sarili sa tapat ng dati nilang silid.

Nagtaas baba ang kamay nya, nag aalangan sya kung bubuksan nya ba ang pinto o kakatok na muna.

Mariing pinikit nya ang mata at malalim na humugot ng hangit at marahas na ibinuga..

Pinihit nya ang doorknob at tagumpay nyang nabuksan iyon..

Madilim ang buong paligid ng silid at tanging liwanag lamang na nang gagaling sa labas.. Akmang isasara nya ang pinto sa pagaakalang wala doon si Grieh nang mag salita ito mula sa dilim.

"Hinahanap mo ako?" Ang baritong boses nito, sa sobrang lamig ang nakapagpahinto sa kanya..

Lumingon sya sa gawi kung saan nang galing ang boses at kasabay noon ay pang pagbukas ng lampshade sa tabi nito.. May hawak itong kopita sa kaliwang kamay nito na may laman na alak..

"Grieg..." 

"Magpapaliwanag ka?" 

"It's not what you think Grieg, he's my friend an---

"--- lock the door.." Putol nito..

Nagsalubong ang kilay ni Rio. Pero sinunod nya ang utos nito..

"Now sit down, at ituloy mo ang sinasabi mo." Anito. 

Akmang uupo si Rio sa dulo ng kama nang muli syang mapatayo.

"Dito sa tabi ko, walang naguusap ng malayo sa isat-isa." 

Lumapit sya dito tsaka naupo sa tabi nito.. 

"Now speak..." Malamig na turan ni Grieg.

Ngunit ang inihandang paliwanag ni Rio ay tila nilipad na animo'y isang papel na dinala ng malakas na hangin sa kawalan. 

Nawala ang sasabihin nya, hindi sya makapag salita.

"Ahmm.. Yung kanina.." Sa wakas ay nakapag salita sya..

"Ano ang tungkol sa kanina? Yung nakita ko ba ang tinutukoy mo?" Anito tsaka sumisim ng alak.

"Grieg.. Baka kasi isipin mo--

"-- na may relasyon kayo?" Putol nito.. "Do you think na ganun kakitid ang utak ko para isipin na may relasyon kayo agad agad? Na dahil lang nagyakapan kayo ay may namamagitan na sa inyo? Oo masakit sa akin na yung makita kong may kayakap na iba ang asawa ko, but that's not me kung iisipin ko agad na nagtataksil ang asawa ko sa akin." Anito..

Tila tinamaan sya sa mga sinabi nito.. Tila parang pinamumukha nito kung ano ang mga inisip nya tungkol sa kanila ni Kyla.

"Im sorry.." Aniya.. 

"Im not you Rio.. Hindi ako katulad mo mag isip.." 

"Im... So...rry..." Garalgal na boses nito.. Tumayo si Rio at nagmamadaling lumabas ng silid, ngunit mabilis na napigilan sya ni Grieg. 

Hawak nito ang siko nya sa likuran nya..

"Hindi natin maaayos ito kung palagi ka na lang tatakbo.. Pakinggan mo naman ako.." Ani Grieg..

Sa tono ng boses ni Grieg ay hindi nya maiwasang tumulo ng husto ang luha nya..

"Nakilala ko si Kyla noong nag punta ako ng Europe para sa business natin doon. It wasn't my plan to entertained her, but that was the time na palagi kang wala. I admit to my self na naalala kita sa kanya noong mga panahong iyon. Nakita ko syang umiiyak sa kalsada, naisip ko na kung ikaw ang naroon sa kinatatayuan nya at umiiyak ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil pinabayaan kitang umiiyak mag isa doon.." 

Being his Wife, Being her Husband (Sbtt Book 2)COMPLETEDWhere stories live. Discover now